2025
Pagsunod kay Jesus sa Spain
Nobyembre 2025 Kaibigan


“Pagsunod kay Jesus sa Spain,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 14–15.

Pagsunod kay Jesus sa Spain

Kilalanin si Eimy

Isang batang babaeng nakangiti kasama ang kanyang pamilya

Sinusunod ni Eimy si Jesucristo sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang pamilya at pakikipaglalaro sa kanyang mga pinsan. “Kapag naglilingkod ako sa iba, napakasarap at napakasaya sa pakiramdam,” sabi niya.

Ibinabahagi rin ni Eimy sa mga tao ang tungkol sa Simbahan. “Napakasaya ko nang ibahagi ko ang ebanghelyo sa mga kaibigan ko sa paaralan,” sabi niya. Inanyayahan niya ang isa sa kanyang mga kaibigan sa kanyang binyag at ipinagdasal ito. Gusto rin niyang ibahagi sa iba ang kanyang pagkain at mga laruan.

Tungkol kay Eimy

Nakangiting batang babae na may kulay rosas na bulaklak

Edad: 8

Mula sa: Guadalajara, Spain

Wika: Spanish

Mithiin: Bisitahin ang kanyang pamilya sa Colombia

Mga Libangan: Gymnastics, panonood ng mga pelikula kasama ang kanyang pamilya, at paglalaro sa parke kasama ang kanyang mga kaibigan

Pamilya: Eimy, dalawang kapatid na lalaki, Inay, at Itay

Batang babae at dalawang batang lalaking naglalaro sa labas

Mga Paborito ni Eimy

Kuwento sa Banal na Kasulatan: Nang turuan ni Jesucristo ang mga bata

Pagkain: Arepas (flatbread na may palaman sa loob)

Prutas at gulay: Mga saging at litsugas

Mga kulay: Rosas, lila, berde

Awitin sa Primary:Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2)