“Welcome, mga Kaibigan!” Kaibigan, Nobyembre 2025, 1.
Welcome, mga Kaibigan!
Alam ba ninyo na ang ating mga isinulat na kuwento ay tungkol sa totoong mga bata mula sa iba’t ibang panig ng mundo? Bawat tao ay may kahanga-hangang kuwentong ibabahagi! Ganyan din ang family history—bawat pamilya ay may kuwento. Hindi kailangang maging malaki ito para maging mahalaga. At kapag ikinukuwento ninyo ito, nagbabahagi kayo ng bahagi ng inyong family history.
Magagamit ninyo ang mga tanong sa pahina 35 para matulungan kayong malaman pa ang tungkol sa inyong pamilya. O idrowing ang ilan sa kanilang mga larawan sa pahina 24–25. Binigyan tayo ng Ama sa Langit ng mga pamilya para tulungan tayong matuto at umunlad, kaya magsimula tayong matuto!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan