2025
15,100 at Mahigit Pa
Nobyembre 2025 Kaibigan


“15,100 at Mahigit Pa,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 40–41.

Isinulat Mo

15,100 at Mahigit Pa

Si Josué E. sa harap ng computer at naka-thumbs-up

Noong mag-walong taong gulang ako, nasa edad na ako para magkaroon ng sarili kong FamilySearch account! Noong una kabado ako, pero tinuruan ako ng mga magulang at kapatid ko kung paano mag-index at gumawa ng family tree para matulungan ko ang aking mga ninuno. Pagkatapos niyon, hindi na ako kinabahan. Naramdaman ko ang suporta at na handa na ako.

Isang batang lalaki kasama ang kanyang kapatid na babae at ama na nakatingin sa computer

Pagkatapos ay nagkaroon ako ng hangaring maging family history reviewer tulad ng aking mga magulang at kapatid. Pinili ko iyon na maging isa sa mga mithiin ko para sa programang Mga Bata at Kabataan. Para makamtan ang mithiing ito, kinailangan kong mag-index ng 1,000 mga rekord.

Kung minsan pinanghihinaan ako ng loob. Pero ipinaalala sa akin ng mga magulang ko na hindi ko ito gagawin sa loob ng isang araw. Sa halip, dapat akong magtuon sa paggawa lamang ng tatlong rekord bawat araw, at bago sumapit ang isang taon makakamtan ko na ang aking mithiin. Sinabi nila na kung nahihirapan akong maunawaan o mabasa ang mga image, tutulungan nila ako.

Isang batang lalaking nagdarasal, at mga kamay na gumugupit ng mga temple ordinance card

Nagdasal ako sa Ama sa Langit para matulungan Niya ako na makamit ang aking mithiin. Mas gumanda ang pakiramdam ko pagkatapos kong magdasal.

Hindi ako sumuko at patuloy na nag-index araw-araw. Pagkaraan ng isang taon, bago ako nag-siyam na taong gulang, nakapag-index na ako ng mahigit 1,000 mga rekord at nabigyan ng reviewer status. Tuwang-tuwa ako!

Isang batang lalaking nakaupo sa damuhan sa labas ng templo

Ngayon ay palagi akong sumasama sa mga magulang ko sa Trujillo Peru Temple. Tumutulong ako sa pag-print ng mga ordinance card, ginugupit ang mga ito, at ibinibigay ang mga ito sa bawat kapamilya upang maisagawa nila ang mga ordenansa habang naghihintay ako sa hardin ng templo. Hindi magtatagal ay makakapasok ako sa loob para magsagawa ng mga binyag.

Ako ay 10 taong gulang na ngayon at 15,100 mga rekord na ang na-index ko! Napakasaya ko at sabik akong magpatuloy para maabot ang aking mga mithiin na maging higit na katulad ni Jesucristo.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Parker Nielsen