“Masayang Makatulong!” Kaibigan, Nobyembre 2025, 44–45.
Madaling Basahin
Masayang Makatulong!
Isang totoong kuwento mula sa Taiwan
Gustung-gusto ni Yi-Hsun na magdrowing sa kanyang art class.
Kapag tapos na ang art class, lahat ay lumalabas para tumakbo at maglaro. Gustong tumakbo ni Yi-Hsun para mahabol ang kanyang mga kaibigan.
Pero nakita niya na natisod sa isang bato si Yi-Ruei at tumama ang tuhod nito. “OK ka lang ba?” tanong ni Yi-Hsun.
Umiling si Yi-Ruei at nagsimulang umiyak.
Tinulungan ni Yi-Hsun ang kaibigan niya na pumunta sa school nurse. Nilinis ng nurse ang tuhod ni Yi-Ruei at sinabi sa kanya na magpahinga.
Tinulungan ni Yi-Hsun si Yi-Ruei na bumalik sa silid-aralan.
Masaya si Yi-Hsun na tinularan niya ang halimbawa ni Jesus at tinulungan si Yi-Ruei. Magkasama nilang tinatapos ang kanilang mga larawan.
Mga larawang-guhit ni Samantha Windley