2025
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Nobyembre 2025 Kaibigan


“Para sa Mas Nakatatandang mga Bata,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 34–35.

Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Mga Salita mula sa Iyo

Batang lalaking nakangiti

Nalaman ko ang tungkol kay propetang Samuel sa simbahan, at gustung-gusto ko ang kuwento!

Liam F., edad 9, Okinawa, Japan

Batang babaeng nakangiti

Alam ko na kilala ako ni Jesucristo at alam niya kung sino ako. Nagpapasalamat ako sa Kanya dahil pinanatag Niya ako sa panahong nahirapan ako at hindi Niya ako iniwan.

Antonella D., edad 10, Rio Grande do Sul, Brazil

Pahina ng Komiks tungkol sa Family History

Magsulat o magdrowing ng totoong kuwento sa mga kahon sa ibaba. Maaari kang magbahagi ng isang kuwento mula sa iyong family history o sa panahong pinili mo ang tama. Magpadala sa amin ng isang larawan kapag tapos ka na! Pumunta sa pabalat sa likod para makita kung paano.

Tuklasin ang Code

Ang ikapu ay isang pagpapala! Ang pera ng ikapu ay tumutulong sa Simbahan na magtayo ng mga templo at simbahan, maglimbag ng mga banal na kasulatan, suportahan ang mga missionary, at marami pang iba. Kapag sinusunod natin ang utos na magbayad ng ikapu, pinagpapala tayo ng Ama sa Langit sa maraming paraan (tingnan sa Malakias 3:10).

Alamin kung ano ang halaga ng bawat barya. Pagkatapos ay lutasin ang huling problema. Magkanong ikapu ang dapat mong bayaran? (Hint: Ang ikapu ay 10 porsiyento.)

PDF ng pahina ng aktibidad sa paggawa ng isang comic strip tungkol sa family history, at isang code activity tungkol sa ikapu

Mga larawang-guhit ni Josh Talbot