2025
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Nobyembre 2025 Kaibigan


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 22–23.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Oktubre 27–Nobyembre 2: Doktrina at mga Tipan 124

Mga Pusong Tapat

Dalawang bata na nagkukulay ng mga puso sa papel

Mahal ng Panginoon ang Kanyang tagapaglingkod na si Hyrum Smith dahil sa “katapatan ng kanyang puso” (Doktrina at mga Tipan 124:15). Hanapin kung ano ang ibig sabihin ng salitang katapatan at pag-usapan ito sa inyong pamilya. Magdrowing ng malaking puso sa isang papel. Sa loob ng puso, magdrowing o sumulat ng isang bagay na magagawa mo para maging tapat ka.

Nobyembre 3–9: Doktrina at mga Tipan 125–128

Kuwadro ng Larawan ng Pamilya

Nang makabalik na si Brigham Young mula sa kanyang misyon, iniutos sa kanya ng Panginoon na pangalagaan ang kanyang pamilya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 126). Gumawa ng isang kuwadro at dekorasyunan ito para malagyan ng larawan ng iyong pamilya. Paano ninyo pangangalagaan ang isa’t isa?

Nobyembre 10–16: Doktrina at mga Tipan 129–132

Pagsunod sa Lider

Dalawang bata na tinatapik-tapik ang kanilang ulo

Ang ating katawan ay katulad ng mga katawan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 130:22). Maglaro ng larong ito upang ipagbunyi ang inyong katawan! Maghalinhinan sa pagpili ng gagawing galaw, tulad ng paglukso o pagtapik sa iyong ulo. Gagayahin ng iba pa ang galaw.

Nobyembre 17–23: Doktrina at mga Tipan 133–134

Mapagmahal na Paglilingkod

Si Jesucristo ay mapagmahal at mabait (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 133:52). Ilagay ang pangalan ng bawat tao sa isang mangkok. Pumili ng isang pangalan, at lihim na pagsilbihan ang taong iyon sa linggong ito.

Nobyembre 24–30: Doktrina at mga Tipan 135–136

Kuwento tungkol kay Joseph Smith

Isang batang lalaki na nagkukulay ng larawan

Si Joseph Smith ay ang Propeta ng Pagpapanumbalik (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 135:3). Magdrowing ng mga larawan mula sa kanyang buhay. Paano mo nalaman na siya ay isang propeta?

PDF ng pahina

Mga larawang kuha ni Christina Smith