2025
Pananabik sa Programa ng mga Kabataan
Nobyembre 2025 Kaibigan


“Pananabik sa Programa ng mga Kabataan,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 38–39.

Pananabik sa Programa ng mga Kabataan

Ang pag-alis sa Primary sa taon na magiging 12 taong gulang ka ay nakakatakot o nakakalungkot pa nga kung minsan. Mabuti na lang, maraming masasayang bagay tungkol sa pagiging 12 taong gulang at pagsali sa iyong Young Women class o Aaronic Priesthood quorum! Narito ang ilan.

1

Ang Templo

Maaari mong kausapin ang iyong bishop para makakuha ng temple recommend at magsagawa ng mga binyag para sa mga patay sa templo!

2

Mga Aktibidad at Kaganapan

Magkakaroon ka ng maraming aktibidad kasama ang iyong Young Women o Aaronic Priesthood group. Maaari ka ring sumama sa mga youth camp para magsaya kasama ang iba habang natututo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo!

3

Paglilingkod sa Simbahan

Maaari kang tumanggap ng calling na maglingkod sa class o quorum presidency. Magkakaroon ka rin ng mga pagkakataong magturo sa klase mo, tumulong sa pagpaplano ng mga aktibidad, at maglingkod sa iba pang mga paraan!

4

Mga Seminary at FSY Conference

Sa taong magiging 14 na taong gulang ka na, maaari kang magsimulang dumalo sa seminary para malaman pa ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Maaari ka ring dumalo sa FSY (For the Strength of Youth) conference kasama ang iba pang mga kabataang nagmamahal at nais sumunod kay Jesucristo.

5

Bagong Nilalaman para sa IYO!

  • Sa tulong ng magulang, mag-subscribe sa magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan sa website ng Simbahan.

  • Tanungin ang magulang tungkol sa pag-download ng Gospel Living App. May masasayang ideya ito para sa pag-aaral ng ebanghelyo at paggawa ng mga mithiin para sa programang Mga Bata at Kabataan.

  • Pag-aralan ang Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili. Ang buklet na ito ay isinulat upang tulungan kang sundin si Jesucristo.

  • Makahahanap kayo ng iyong pamilya ng nakasisiglang mga kuwento, musika, anunsyo, at iba pa sa Strive to Be social media accounts.

Pahina ng PDF ng mga kabataang lalaki at babae na gumagawa ng iba’t ibang aktibidad