“Para sa Maliliit na Bata,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 42–43.
Para sa Maliliit na Bata
Gusto kong sundin si Jesus at mabinyagan. Gusto kong marinig ang mga panghihikayat ng Espiritu Santo.
Won K., edad 4, Seoul, South Korea
Kabado ako sa pagpasok sa bagong paaralan. Nanalangin ako para humingi ng tulong. Tinulungan ako ng Espiritu Santo na maging matapang. Araw-araw ay nababawasan ang takot ko. Gustung-gusto ko na ngayong pumasok sa paaralan.
Lyla R., edad 5, Alabama, USA
Oras na para Magsimba
Ituro ang mga bagay na kailangan mong ihanda para sa pagsisimba.
Pagpapalaki ng Paru-paro
Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay na may buhay! Aling larawan ang una? Ano ang kasunod? Ano ang huling mangyayari?
Bakatin ang mga Gulong
Gumamit ang mga pioneer ng mga may takip na bagon at kariton para maglakbay. Bakatin ang mga linya sa paligid ng mga gulong ng mga bagon. Pagkatapos ay kulayan ang larawan.
Larawang-guhit ni Christine Battuz