2025
Mga Temple Card
Nobyembre 2025 Kaibigan


“Mga Temple Card,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 16.

Mga Temple Card

Sydney Australia Temple

  • Ito ang unang templo sa Australia.

  • Sa paglalaan, sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley na nakangiti ang Diyos sa kanila.

  • Ang mga punong eucalyptus sa bakuran ay berde sa buong taon.

Madrid Spain Temple

  • Si Pangulong Gordon B. Hinckley ang namuno sa groundbreaking noong 1996 at sa paglalaan noong 1999.

  • Dumalo ang hari at reyna ng Spain sa open house.

  • Binigyan sila ni Pangulong Hinckley ng maliit na estatwa ni Jesucristo bilang regalo.

San Salvador El Salvador Temple

  • Ang templong ito ay napaliligiran ng mga tropikal na halaman.

  • Sa kalapit na lungsod ay makikita ang isang estatwa ni Jesucristo na nakatayo sa ibabaw ng lupa upang ipakita na Siya ang Tagapagligtas ng sanlibutan.

  • Kasama sa maraming disenyo ang flor de izote, na pambansang bulaklak ng El Salvador.

Iginuhit na mga temple card

Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson