“Turuan Mo Ako tungkol sa Ikapu,” Kaibigan, Nob. 2025, 46–47.
Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo
Turuan Mo Ako tungkol sa Ikapu
Iniuutos sa atin ng Ama sa Langit na magbayad ng ikapu. Ang ikapu ay ang ikasampung bahagi ng pera natin.
Ginagamit ng Simbahan ang ikapu sa maraming paraan. Ang isang paraan ay sa pagtatayo ng mga templo.
Ang ikapu ay napupunta rin sa mga taong nangangailangan. Magagamit ito sa pagtulong pagkatapos ng isang emergency.
Kapag nagbabayad tayo ng ikapu, tinutulungan natin ang Ama sa Langit na pagpalain ang mga tao sa buong mundo.
Mga Barya para sa Ikapu
Tapusin ang pagkulay sa 10 barya. Pagkatapos ay bilugan ang isang barya para magbigay ng ikapu.
Mga larawang-guhit ni Daniela Sosa