2025
Mga Kayamanan sa Langit
Pebrero 2025


“Mga Kayamanan sa Langit,” Liahona, Peb. 2025.

Paggamit ng mga Magasin ng Simbahan

Mga Kayamanan sa Langit

pamilyang nagdarasal

Ang pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan sa buwang ito ay nagtatampok sa mga paraan na maaari kang “mag-ipon ng kayamanan para sa iyong sarili sa langit” (Doktrina at mga Tipan 6:27). Tingnan ang mga artikulong ito sa magasin ng Simbahan para malaman ang iba pa tungkol sa mga kayamanan sa langit tulad ng mga espirituwal na karanasan, pagsamba sa templo, at kaugnayan sa Diyos.

Mga Aral sa Artikulong Ito

Ipagdasal ang Iba

May kilala ka bang isang tao na dumaranas ng hirap? Tularan ang halimbawa ni Elder Dieter F. Uchtdorf at ng kanyang asawang si Harriet sa pamamagitan ng pagdarasal para sa taong iyon (tingnan sa pahina 2). Alalahaning magtiwala sa kalooban ng Diyos, kahit hindi kaagad makita ng taong ipinagdarasal mo ang mga pagpapala.

Galugarin ang mga Makasaysayang Pook ng Simbahan

Ibinahagi ng isang returned missionary na naglingkod sa mga makasaysayang pook ng Simbahan sa New York at Pennsylvania kung ano ang nangyari doon at kung bakit mahalaga ito ngayon (tingnan sa pahina 12). Anong mga lugar o karanasan ang mahalaga para sa iyong paglago bilang disipulo ni Jesucristo? Isiping ikuwento sa iyong pamilya o mga kaibigan ang isa sa mga sagradong panahong ito mula sa iyong buhay at kung bakit ito mahalaga sa iyo.

Tingnan ang Buhay sa Pamamagitan ng Walang-Hanggang Pananaw

Basahin ang artikulo sa pahina 36 para malaman ang iba pa kung paano mapapalawak ng endowment sa templo ang ating pananaw tungkol sa plano ng Diyos. Ano ang mga karanasan mo na nakatulong sa iyo na magkaroon ng walang-hanggang pananaw—o mag-isip nang selestiyal, tulad ng itinuturo ni Pangulong Russell M. Nelson? Isiping isulat ang iyong mga karanasan sa isang journal o ibahagi ang mga iyon sa pamilya at mga kaibigan.