2025
Pagtingin sa Liwanag
Pebrero 2025


“Pagtingin sa Liwanag,” Kaibigan, Pebrero 2025, 20–21.

Mula sa Ating mga Pinuno

Pagtingin sa Liwanag

Mula sa isang interbyu kay Kristin Pedersen.

Batang lalaking naglalakad pauwi na may mga bintanang naiilawan sa dilim

Noong bata pa ako, nakatira ang pamilya ko sa isang sakahan. Ang aking gawain ay magpakain sa mga baka. Malayong lakarin ang kamalig mula sa aking bahay. Hindi ito madaling gawain para sa akin.

May mga araw na kailangan kong maglakad sa dilim. Nang oras nang maglakad pauwi, takot na takot ako! Parang napakalayo ng bahay ko. Oras na humakbang ako papasok sa gate malapit sa bahay ko, tatakbo na ako sa natitirang bahagi ng daan pauwi.

Nakikita ko ang liwanag na tumatagos sa mga bintana ng bahay ko. Kung magtutuon ako sa liwanag na iyon, hindi ako gaanong matatakot. Ang liwanag ay nagbigay sa akin ng layunin. Pero kapag inaalis ko ang aking tuon sa liwanag, nananaig ang takot ko.

Napakadaling makaramdam ng takot sa mundo ngayon. Pero kung mananatili tayong nakatuon sa liwanag ni Cristo, nababawasan ang ating takot. Araw-araw, maaari tayong pumili: Magtutuon ba tayo sa kadiliman o magtutuon sa liwanag?

Tayo’y mga anak ng Diyos. Gagabayan Niya tayo pabalik sa ating tahanan sa langit.

Ang Liwanag ni Cristo

Gawin ang craft na ito upang ipaalala sa iyo na magtuon sa liwanag ni Cristo. Paano nakatulong ang pagtutuon ng pansin sa Kanya para madaig mo ang iyong takot at makadama ng kapayapaan?

  1. Maglagay ng larawan ng sarili mo sa gitna ng araw. Pagkatapos ay gupitin ang larawan!

  2. Isabit ang larawan sa iyong bintana para makapasok ang liwanag.

PDF ng pahina na may aktibidad ng craft ng araw

Mga larawang-guhit ni Simona Love