“Mga Salita Ko sa Ebanghelyo,” Kaibigan, Pebrero 2025, 6.
Mga Salita Ko sa Ebanghelyo
Hanapin ang mga salita at pariralang ito sa isyung ito ng Kaibigan!
Priesthood
Ang priesthood ay awtoridad at kapangyarihan ng Diyos na ibinibigay Niya sa atin para makatulong sa Kanyang gawain sa lupa.
Tipan
Ang tipan ay isang pangakong ginagawa mo sa Ama sa Langit na iyong susundin ang Kanyang mga kautusan. Kapag gumagawa at nagsisikap tayong tuparin ang ating mga tipan, pinagpapala tayo ng Ama sa Langit.
Binyag
Kapag ikaw ay nabinyagan, nakikipagtipan ka sa Diyos. Nangangako ka na handa kang taglayin ang pangalan ni Jesucristo, sundin ang mga utos ng Diyos, at lagi Siyang paglingkuran. Isang maytaglay ng priesthood ang sasambit ng espesyal na panalangin, ilulubog ka sa tubig, at iaahon pabalik. Ito ay kumakatawan sa pag-iwan sa iyong mga kasalanan at pagsilang na muli bilang tagasunod ni Jesucristo.
Kumpirmasyon
Kapag ikaw ay nabinyagan, isang maytaglay ng priesthood ang nagkukumpirma sa iyo bilang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Tinatanggap mo rin ang kaloob na Espiritu Santo, ibig sabihin nito ay lagi mong makakasama ang Espiritu Santo.
Pagbabayad-sala ni Jesucristo
Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang sakripisyong ginawa Niya para sa atin. Sa Halamanan ng Getsemani, nagdusa Siya para sa ating mga kasalanan at nadama ang lahat ng ating hirap at sakit. Namatay Siya sa krus. Pagkatapos, Siya ay nabuhay na mag-uli. Dahil kay Jesucristo, maaari tayong magsisi at mapatawad ang ating mga kasalanan.
Mga larawang-guhit ni Madison Baker