2025
Isang Pakikipagkuwentuhan kay Lili tungkol sa pagbabahagi ng Ebanghelyo
Pebrero 2025


“Isang Pakikipagkuwentuhan kay Lili tungkol sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo,” Kaibigan, Pebrero 2025, 40–41.

Isang Pakikipagkuwentuhan kay Lili tungkol sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo

Si Lili ay isang 10 taong gulang na bata mula sa Hungary. Tinanong namin si Lili mula sa Hungary ng ilang mga katanungan tungkol sa kung paano siya namumuhay at nagbabahagi ng ebanghelyo.

Magkuwento ka sa amin tungkol sa iyong sarili.

Batang babaeng nakaupo sa upuan na naka-de-kuwatro

Mahilig akong kumanta, at nasisiyahan rin akong sumayaw. Kapag hindi ako kumakanta at sumasayaw, nasisiyahan akong nasa labas sa kalikasan kasama ang mga kaibigan ko. Mahilig rin akong magbasa.

Ano ang pakiramdam ng pagiging disipulo ni Jesucristo kung saan ka nakatira?

Dalagitang hinihimas ang pusa at nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Sa bayan kung saan ako nakatira, wala kaming yunit ng Simbahan, kaya bumibiyahe kami ng 30–40 minuto para dumalo sa mga miting tuwing Linggo at sa mga aktibidad sa loob ng linggo. Medyo malayong biyahe iyon, pero ayos lang sa akin. Magandang pagkakataon iyon para makinig ng musika at inisin ang mga kapatid ko, haha.

Ako lang din ang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa klase ko. Nag-aaral ako sa paaralang Kristiyano at nakabuo ng matitibay na pagkakaibigan sa mga kaklase ko. Sinusuportahan ako ng lahat ng aking mga guro at kaibigan sa aking pananampalataya, at buong tapang kong naipapamuhay at naibabahagi ang aking mga paniniwala.

Maaari mo bang ikuwento sa amin ang isang pagkakataon kung saan ibinahagi mo ang iyong mga paniniwala sa iba?

Batang babaeng nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Isang araw sa paaralan, nakaupo ako sa isang bangko at nagbabasa ng Aklat ni Mormon. Tinanong ako ng isa kong kaklase tungkol sa libro. Ikinuwento ko ito sa kanya at ibinahagi ko ang aking nararamdaman kung bakit ko ito gustong basahin. Sinamantala ko rin ang pagkakataong ibahagi ang aking patotoo tungkol kay Jesucristo.

Ano ang maipapayo mo sa isang taong kinakabahang magbahagi ng ebanghelyo?

Pagtuunan ng pansin ang pagdama sa Espiritu Santo. Damahin lang ito. Malalaman mo sa sandaling kailangan mong magsalita.

PDF ng Pahina