2025
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Pebrero 2025


“Para sa Mas Nakatatandang mga Bata,” Kaibigan, Pebrero 2025, 34–35.

Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Mga Salita mula sa Iyo

Batang babaeng nakangiti

Kamakailan sa Primary, natutuhan natin ang tungkol sa buhay at mga himala ni Jesucristo. Gusto ko Siyang tularan at ang Kanyang halimbawa.

Bella F., edad 10, Córdoba Province, Argentina

Batang lalaking nakangiti

Isang araw, habang nagmamaneho kami ni mama pauwi, halos maubos na ang gasolina ng kotse namin. Nagsimula kaming magpunta sa isang gasolinahan, pero hindi nagtagal ay nakasaad sa panel na nasaid na ang gasolina ng sasakyan namin. Nagdasal ako. Umabot kami sa gasolinahan! Pinasalamatan ko ang Ama sa Langit sa pagtulong sa amin na maging ligtas.

Austin E., edad 9, Iowa, USA

Climbing Hearts

  1. Maghanap ng maliliit na bagay na magagamit bilang mga pitsa ng laro. Ang taong may pinakamalapit na kaarawan ang mauuna!

  2. Magpagulong ng isang dice upang makita kung gaano karaming beses ka maaaring umusad. Kung lalapag ka sa hagdan, umakyat ka sa mas mataas na espasyo! Kung lumapag ka sa isang slide, dumausdos pababa sa mas mababang espasyo.

  3. Kung lumapag ka sa puwang ng puso, sabihin ang isang paraan kung paano mo matutulungan ang isang tao na madamang minamahal siya.

  4. Ang unang makarating sa panghuling parisukat ay panalo! Kapag natapos na ang laro, gawin ang isa sa iyong mga ideya upang ibahagi ang pagmamahal sa isang tao.

Hanapin ang Pattern

Anong pattern ang makikita mo sa grid?

Iguhit Ito

Sundin ang mga hakbang na ito para malaman kung paano magdrowing ng misyonero!

PDF ng Pahina na may iba’t ibang mga gawain at quote

Mga larawang guhit ni Miguel Angel Sánchez