2025
Mga Tipan sa Diyos
Pebrero 2025


“Mga Tipan sa Diyos,” Kaibigan, Pebrero 2025, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Mga Tipan sa Diyos

Hango sa “Mga Tipan at Responsibilidad,” Liahona, Mayo 2024, 93–96.

Mga larawang-guhit na may mga panel na nagpapakita ng isang doktor na sumusuri sa isang batang lalaki, mga missionary na nagtuturo, si Joseph Smith na nagsasalita sa isang grupo ng mga Banal noong unang panahon, at isang templo

Ang tipan ay tapat na pangako na gagawin ang ilang mga bagay. Halimbawa, nangangako ang mga doktor at bumbero na tutulong sa iba. Nangangako ang mga missionary na maglilingkod sa mga tao at ituturo ang ebanghelyo.

Isinulat ng mga propetang tulad nina Nephi at Isaias ang tungkol sa mga tipang ginawa ng Ama sa Langit sa Kanyang mga tao noon pa man. Mababasa natin ang tungkol sa mga ito sa mga banal na kasulatan.

Nang hinirang ng Diyos si Joseph Smith bilang propeta, ginabayan Niya si Joseph na ipanumbalik ang mga tipang nawala. Itinuro ni Joseph sa mga miyembro ng Simbahan ang tungkol sa binyag, sakramento, at templo.

Ngayon, tinuturuan tayo ni Pangulong Nelson na sundin ang landas ng tipan. Itinatayo ang mga templo sa iba’t ibang panig ng mundo. Tinutulungan nito ang mas maraming miyembro ng Simbahan na makipagtipan sa Diyos.

Pinatototohanan ko na kung sisikapin ninyong tuparin ang inyong mga tipan, pagpapalain kayo ni Jesucristo.

Alalahanin ang Inyong mga Tipan

Itinuro ni Pangulong Oaks kung paano tayo matutulungan ng mga espesyal na bagay na alalahanin ang ating mga tipan. Halimbawa, ang singsing sa kasal ay nagpapaalala sa mga tao tungkol sa kanilang mga tipan sa kasal.

Lagyan ng dekorasyon ang kalasag na ito upang ipaalala sa inyo ang mga tipang ginawa o gagawin ninyo! Habang tinutupad natin ang ating mga tipan, pinoprotektahan tayo ng Ama sa Langit, at mananatili tayong malapit sa Kanya.

Isang Activity PDF na may malaking blangkong kalasag

Mga larawang-guhit ni Kelly Smith