2025
Maligayang Pagdating, mga Kaibigan!
Pebrero 2025


“Welcome, mga Kaibigan!” Kaibigan, Pebrero 2025, 1.

Maligayang Pagdating, mga Kaibigan!

Inaanyayahan tayo ng Diyos na ibahagi ang ebanghelyo. Kayang gawin ng lahat ng tao iyon!

Sa pahina 38, maghanap ng limang paraan para maibahagi ang ating mga paniniwala. Maaari itong maging masaya at madali tulad ng pagdadala ng isang kaibigan sa simbahan o sa isang aktibidad sa Primary. Ang pagiging mabuting halimbawa ay isa ring paraan ng pagbabahagi.

Sa pahina 4, basahin kung paano inanyayahan ni Sundae ang isang kaibigan sa kanyang binyag. Ang sabi ng kaibigan niyang si Amy, masarap daw sa pakiramdam na naroon siya.

Sumali sa aming hamon sa pahina 35 na mag-isip ng tatlong tao na mababahagian mo ng iyong patotoo tungkol kay Jesucristo. Kaya mo iyan!

Nagmamahal,

Ang Kaibigan

P. S. Isulat at sabihin sa amin kung paano mo ibinahagi ang ebanghelyo!