“Hello mula sa Colombia!” Kaibigan, Pebrero 2025, 9–10.
Hello mula sa Colombia!
Mga paglalarawan ni Andy Elkerton
Ang Colombia ay nasa hilagang-kanlurang bahagi ng Timog Amerika. Mahigit 50 milyong mga tao ang naninirahan doon! Ang opisyal na wika sa Colombia ay Spanish o Español.
Mga Kulay Rosas na Dolphin
Ang kulay rosas na dolphin ng ilog Amazon ay maaaring magbago ng kulay! Ipinapanganak ang mga ito na kulay abo at pagkatapos ay maaaring maging kulay rosas habang sila ay tumatanda.
Ang Nawawalang Lunsod
Ang La Ciudad Perdida (“ang Nawawalang Lungsod”) ay isang lumang bayan kung saan ang mga tao ay dating nakatira mga 1,225 taon na ang nakalilipas. Matatagpuan ito sa liblib na bahagi ng mga kagubatan ng Colombia.
Keso sa Tsokolate
Ang paboritong inumin sa Colombia ay mainit na tsokolate na may tinunaw na keso.
Mga Bahaghari ng Ilog
Ang Caño Cristales ay isang ilog na kilala bilang “likidong bahaghari” o ang “ilog na may limang kulay.” Marami itong makukulay na halaman sa ilog.
Kagubatan
Halos kalahati ng Colombia ay natatakpan ng kagubatan. Ang dalawang pinakamalaking kagubatan sa bansa ay ang Amazon at ang Chocó.