“Mga Temple Card,” Kaibigan, Pebrero 2025, 12.
Mga Temple Card
Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson
Nauvoo Temple
-
Ang templong ito ay itinayo ng mga unang Banal mula 1840 hanggang 1846. Nasunog ito pero muling itinayo noong taong 2002.
-
Habang unang itinatayo ang templo, tumanggap si Joseph Smith ng paghahayag tungkol sa mga ordenansa sa templo.
-
Ito ang unang templo na may anghel na si Moroni sa tuktok.
Bogotá Colombia Temple
-
Ito ang unang templo sa Colombia!
-
Tumulong ang mga miyembro sa Colombia sa pagdidisenyo at pagtatayo ng templong ito.
-
Ang ilang miyembro sa Colombia ay sumakay sa bus sa loob ng 22 oras para dumalo sa dedikasyon o paglalaan.
Laie Hawaii Temple
-
Ito ang unang templong itinayo sa mga Isla ng Pasipiko.
-
Ang kalyeng papunta sa templo ay pinangalanang Hale La’a Boulevard. Ang ibig sabihin ng salitang Hale La’a ay “sagradong bahay.”
-
Ang templong ito ay mahigit 100 taon nang ginagamit!