2025
Pagsunod kay Jesus sa Colombia
Pebrero 2025


“Pagsunod kay Jesus sa Colombia,” Kaibigan, Pebrero 2025, 10–11.

Pagsunod kay Jesus sa Colombia

Kilalanin si Ruben

Si Reuben at ang kanyang pamilya

Sumusunod si Ruben kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo. Isang araw ng Linggo, hiniling ng president ng Primary sa bawat bata na magbigay ng Aklat ni Mormon sa isang tao. Kinausap ni Ruben ang kanyang mga magulang at inilista ang mga pangalan ng mga taong maaari niyang bigyan ng kopya. Pinili niyang magbigay ng kopya ng Aklat ni Mormon sa isang security guard na nakilala niya nang lumipat ang kanyang pamilya sa bagong lungsod. Kinabahan siya, pero nanalangin siya sa Ama sa Langit para humingi ng tulong.

“Kapag sinusunod ko si Jesus, masaya ang pakiramdam ko. May mga taong nangangailangan ng tulong ko,” sabi niya. “Kapag tumutulong ako sa iba, nakadarama ako ng kapayapaan.”

Kasama ang kanyang pamilya, mahilig siyang magbasa ng mga banal na kasulatan, mag-aral ng Halika, Sumunod sa Akin, at kumain ng ice cream. Naglilingkod siya sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawaing-bahay at pagbabantay sa kanyang nakababatang kapatid na babae.

si Ruben na nakikipaglaro sa kanyang mas batang kapatid na babae
si Ruben na nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Tungkol kay Ruben

Edad: 10

Mula sa: Cundinamarca, Colombia

Wika: Espanyol

Mga Mithiin: Maging isang engineer ng gusali o isang manlalaro ng football

Mga libangan: Paglalaro ng video games, pagpunta sa parke, at pagtugtog ng piano

Pamilya: Felix, Inay, Itay, at mas batang kapatid na babae

si Ruben na nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Mga Paborito ni Ruben

Kuwento sa Banal na Kasulatan: Nang pinatahimik ni Jesucristo ang dagat (tingnan sa Marcos 4:35–41). Ipinapakita nito kung paano tayo mapapakalma ni Jesus kapag nag-aalala tayo.

Holiday: Pasko—Gustung-gusto ni Ruben na magbahagi ng mga regalo sa kanyang pamilya!

Prutas at Gulay: Mga saging at broccoli

Mga Kulay: Ang mga kulay ng watawat ng Colombia (dilaw, asul, at pula)

Awitin sa Primary: “Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin” (Mga Himno, 191)

si Ruben na nakangiti
PDF ng Pahina

Mga larawang kuha ni Carolina Triana