2025
5 Paraan upang Maibahagi ang Ebanghelyo
Pebrero 2025


“5 Paraan upang Maibahagi ang Ebanghelyo,” Kaibigan, Pebrero 2025, 38–39.

5 Paraan upang Maibahagi ang Ebanghelyo

PDF ng Pahina

Mga larawang-guhit ni Josh Talbot

Sa mga banal na kasulatan, hiniling ni Jesucristo na ibahagi natin ang Kanyang ebanghelyo sa iba (tingnan sa Marcos 16:15). Narito ang limang simpleng paraan para maibahagi ninyo ang inyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas sa inyong mga kaibigan at pamilya!

Magsama ng kaibigan.

Lahat ay malugod na tinatanggap sa simbahan! Anyayahan ang isang kaibigan na dumalo sa Primary o sa aktibidad ng simbahan.

Magtago ng sariling kopya ng larawan ni Jesucristo.

Gupitin ang larawan ni Jesus at itago ito malapit sa iyo upang alalahanin na sundin ang Kanyang halimbawa. Kapag ikaw ay isang mabuting halimbawa, ibinabahagi mo rin ang ebanghelyo!

Isulat ang mga banal na kasulatan na nagustuhan mo.

Habang binabasa mo ang mga banal na kasulatan, isulat ang ilang talatang gusto mo. Kung may nakikita kang tao na nahihirapan, maaari kang magbahagi ng talata sa banal na kasulatan sa kanila!

Magpatotoo.

Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo sa tahanan, paaralan, o simbahan. Magtuon ka lang sa nararamdaman mo para sa Kanya at sabihin mo kung ano ang nasa puso mo. Pumunta sa pahina 16 upang malaman kung paano ibinahagi ni Kupa ang kanyang patotoo sa simbahan!

Manalangin para sa ibang tao.

Tinuturuan tayo ni Jesucristo na manalangin palagi (tingnan sa 3 Nephi 19:15–36). Kung hindi ka sigurado kung paano ibahagi ang ebanghelyo sa isang tao, manalangin para sa kanila, at tutulungan ka ng Ama sa Langit.