“Kapayapaan sa Oras ng Sakramento,” Kaibigan, Pebrero 2025, 19.
Isinulat Mo
Kapayapaan sa Oras ng Sakramento
Sa lugar kung saan ako nakatira, kami lang ng pamilya ko ang mga miyembro ng Simbahan. Ako lang ang miyembro sa paaralan ko. Maraming beses kong pinanindigan sa mga kaibigan ko ang paniniwala ko kay Jesucristo. Hindi ito madali, pero alam kong kailangan kong piliin ang tama. Ang isang paraan ng pagpili ko ng tama ay ang pagpapasa ng sakramento.
Kinakabahan akong magpasa ng sakramento sa unang pagkakataon. Ayaw kong matisod at madapa. Tinuruan ako ng kaibigan ko kung ano ang dapat gawin. Tinulungan niya ako noong unang Linggo ko. Linggo din ng ayuno, kaya nag-ayuno ako at nagdasal na huwag akong magkamali. Napakasaya ko nang maipasa ko ang sakramento, at alam kong tama ang ginawa ko. Nakadama ako ng kapayapaan.
Ang sakramento ay nagbibigay-daan sa lahat na panibaguhin ang kanilang mga tipan. Napakasarap sa pakiramdam na makatulong sa iba. Sasabihin ko sa ibang mga bagong deacon na kinakabahan na ipasa ang sakramento na manalangin at magsanay. Ito ang pinakamagandang karanasan. Kahit na pakiramdam mo ay hindi mo ito magagawa nang tama, mahusay mo itong magagawa at magiging napakaganda ng pakiramdam pagkatapos.
Mga larawang-guhit ni Chrisanne Serafin