2025
Paghahangad ng Paghahayag mula sa Diyos
Pebrero 2025


“Paghahangad ng Paghahayag mula sa Diyos,” Liahona, Peb. 2025.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Doktrina at mga Tipan 6–11

Paghahangad ng Paghahayag mula sa Diyos

Ang Doktrina at mga Tipan ay naglalaman ng mahahalagang turo tungkol sa paghahayag.

Sagradong Kakahuyan

Larawan ng Sagradong Kakahuyan na kuha ni Ted Lee Gibbons

Saan ako dapat maghanap ng bagong trabaho? Paano ako mas makakakonekta sa pamilya ko? Ano ang plano ng Diyos para sa akin?

Marahil ay may ganito kang mga tanong tungkol sa iyong buhay, iyong mga relasyon, o iyong pananampalataya. Magagabayan ka ng Espiritu Santo habang sinasagot mo ang mga tanong na tulad ng mga ito. Ang mga talata sa Doktrina at mga Tipan at mga turo mula sa mga propeta ay makakatulong sa iyo na matuto tungkol sa pagtanggap ng paghahayag para sa iyong mahahalagang tanong.

Ang paghahayag ay para sa lahat ng humihingi nito.

  • “Kung ikaw ay hihingi sa akin ay makatatanggap ka; kung ikaw ay kakatok ay pagbubuksan ka” (Doktrina at mga Tipan 6:5; tingnan din sa Mateo 7:7).

  • “Ang pribilehiyong makatanggap ng paghahayag ay isa sa mga pinakadakilang kaloob ng Diyos sa Kanyang mga anak.” —Pangulong Russell M. Nelson

Ang paghahayag ay natatanggap sa iba’t ibang paraan.

  • “Sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan at sa iyong puso, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na pasasaiyo at mananahanan sa iyong puso” (Doktrina at mga Tipan 8:2).

  • “Ang Diyos ay gumagamit ng maraming paraan para maghatid ng paghahayag sa Kanyang mga anak na lalaki at babae, tulad ng mga ideya sa isipan at damdamin sa puso, mga panaginip, pangitain, pakikipag-usap sa mga sugo ng langit, at inspirasyon.” —Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol

Ang paghahayag ay maaaring mangailangan ng paghahanda.

  • “Kailangan mong pag-aralan ito sa iyong isipan; pagkatapos kailangang itanong mo sa akin kung ito ay tama” (Doktrina at mga Tipan 9:8).

  • “Ang ating espirituwal na paghahanda ay lalong napaiigi kapag regular nating pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan at ang mga katotohanan ng ebanghelyo at pinagnilayan sa ating isipan ang patnubay na hangad natin.” —Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol

Ang paghahayag ay maaaring dumating sa anyo ng kapayapaan.

  • “Ipako mo ang [iyong] isipan sa gabing ikaw ay nagsumamo sa akin sa iyong puso. … Hindi nga ba’t ako ay nangusap ng kapayapaan sa iyong isipan hinggil sa bagay na ito?” (Doktrina at mga Tipan 6:22–23).

  • “Papayapain ng Espiritu ang inyong kaluluwa. Hihimukin Niya kayong sumulong nang may pananampalataya. At ibabalik Niya ang alaala ng mga panahon na nadama ninyo ang liwanag at pag-ibig ni Jesucristo.” —Pangulong Henry B. Eyring, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan

Ang paghahayag ay maaaring maghatid ng kagalakan.

  • “Ipagkakaloob ko sa iyo ang aking Espiritu, na siyang magbibigay-liwanag sa iyong isipan, na siyang magpupuspos sa iyong kaluluwa ng kagalakan” (Doktrina at mga Tipan 11:13).

  • “Kalakip ng kagalakang pumupuspos sa ating kaluluwa ang isang pangwalang-hanggang pananaw na iba sa pang-araw-araw na pamumuhay. Dumarating ang kagalakang iyan bilang kapayapaan sa gitna ng paghihirap o pighati.” —Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol