2025
Papua New Guinea
Pebrero 2025


“Papua New Guinea,” Liahona, Peb. 2025.

Narito ang Simbahan

Papua New Guinea

mapa ng mundo na may bilog sa paligid ng Papua New Guinea
tanawin mula sa himpapawid ng isang bahagi ng Papua New Guinea

Ang unang mga pagbibinyag sa mga lokal na convert sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa Huling Araw sa Papua New Guinea ay naganap noong 1980. Nalaman ng maraming tao ang tungkol sa Simbahan mula sa mga kaibigan bago hiniling na pumunta ang mga missionary sa kanilang nayon at turuan sila. Ang unang gusali ng Simbahan ay natapos noong 1984, at ang unang stake ay inorganisa noong 1995. Ngayon, ang Simbahan sa Papua New Guinea ay may:

  • 38,700 mga miyembro (humigit-kumulang)

  • 2 stake, 12 district, 94 na ward at branch, 2 mission

  • 1 templo sa Port Moresby (ibinalita na)

babaeng nakangiti

Isang Personal na Tagapagligtas

Sabi ni Sister Judina Nambai mula sa Gerehu Branch sa Port Moresby, “Ang isang turo ng ebanghelyo na mahalaga sa akin ay ang makilala ang Tagapagligtas na si Jesucristo bilang personal na Tagapagligtas at sundin ang Kanyang perpektong halimbawa.”