Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta kay … Jasper mula sa England
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2026


Digital Lamang: Kumonekta

Jasper C.

15, Lancashire, England

binatilyo

Larawang kuha ni Nathan Reid

Ako, gaya ng karamihan, ay maraming pagkakamali. Pero natutuhan ko na ang mga kasalanan at pagkakamaling nagagawa mo ay hindi kailangang maging permanente. May pagkatubos kay Jesucristo. Ang mga pangalan ni Cristo tulad ng Manunubos at Tagapagligtas ang mga paborito ko. Masarap malaman na tatanggap tayo ng kapatawaran at ang ating mga kasalanan at pagkakamali ay hindi kailangang maging permanente.

Naramdaman ko rin na malaking tulong ang komunidad sa buhay ko, lalo na ang ward at ang mga kaibigan ko sa paaralan. Natutuhan ko mula sa aking ward kung sino ako bilang isang tao—hinubog ako nito. At ang mga kaibigan ko ang siyang nagbibigay sa akin ng lakas at lakas-ng-loob na magpatuloy. Ang makasama ang mga taong ito ay mas nakakatulong sa akin na madama ang Espiritu.