Para sa Lakas ng mga Kabataan
Isang Panalangin para sa Kapayapaan
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2026


Mga Tinig ng mga Kabataan

Isang Panalangin para sa Kapayapaan

dalagita

Paglalarawan ni Katelyn Budge

Minsan ay nagkaroon ng argumento ang mga magulang ko. Talagang nalungkot ako, at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Lumuhod ako at nanalangin sa Ama sa Langit, at hiniling sa Kanya na panatagin ako at tulungan akong makadama ng kapayapaan.

Matapos magdasal, binuklat ko ang magasin ng mga kabataan at nakita ko ang isang mensaheng nagpaalala sa akin ng pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Tiniyak nito sa akin na hindi ako nag-iisa kailanman at lagi Silang nariyan para gabayan, palakasin, at panatagin ako. Nakadama ako ng matinding kapayapaan sa puso ko.

Hindi nagtagal, napansin kong naging kalmado rin ang mga magulang ko. Pinatawad nila ang isa’t isa at nagsimulang mag-usap muli. Labis akong nagpasalamat. Ang karanasang ito ay nagpalakas sa aking patotoo na kapag tunay tayong umaasa kay Cristo, lagi Siyang nariyan upang tulungan tayo sa anumang hamon.

dalagita

Abish P., edad 14, Iloilo, Philippines

Mahilig tumugtog ng biyolin at piyano, magdrowing, magsulat ng mga awitin, gumawa ng family history, makipaglaro sa kanyang kapatid, at makipagkaibigan.