Mga Tinig ng mga Kabataan
Isa sa Isang Milyon
Paglalarawan ni Katelyn Budge
Ako ay isang natatangi sa isang milyon—naging malinaw iyan nang ma-diagnose ako na mayroong Cleidocranial dysplasia.
Ang Cleiodocranial dysplasia ay nakakaapekto sa pagbuo ng mga buto at ngipin. Ako ay sumailalim sa limang surgery: tatlo para sa scoliosis ng aking gulugod at dalawa para sa pagwawasto ng congenital hip dysplasia.
Hindi ko maunawaan kung bakit pinapayagan ng Ama sa Langit na magdusa ako sa labis na sakit at mapunta sa operating room nang napakadalas. Sa huling mga operasyon ko, naospital ako nang 23 araw, at napakatindi ng sakit. Sa kabila ng gamot, hindi ako makahanap ng pahinga para sa aking katawan. Nagdasal ako sa Ama sa Langit na tulungan ako.
Nakatanggap ako ng impresyon mula sa Espiritu Santo na ang aking pasakit ay isang maliit na paalala tungkol sa pinagdusahan ni Jesucristo para sa akin. Ang pag-iisip tungkol sa pagmamahal ni Jesucristo ay pinuno ako ng lakas na hindi ko mapaniwalaang mayroon ako.
Alam ko na bagama’t mahirap ang mga bagay-bagay, sa pamamagitan ng kaunting pananampalataya at matibay na patotoo, maaari tayong magkaroon ng kapayapaan at lakas habang sinisikap nating makamit ang mga mithiing mayroon tayo. Mahal ako ng Diyos, ibinigay ni Jesucristo ang Kanyang buhay para sa akin, at hinahayaan Niya tayong maging mas malakas pagkatapos ng bawat masakit na karanasan.
Thyago L., edad 14, Lima Province, Peru
Nasisiyahan sa paglalaro ng mga computer game, pagdodrowing, at paggawa ng gawain sa family history.