Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ang Kailangan ng Mundo
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2026


Ang Kailangan ng Mundo

Oras na para ilabas ang iyong lihim na superpower.

dalagita bilang isang superhero

Hindi ito madalas mangyari, ngunit kagabi ay perpekto ang mahimbing mong tulog. Nagising kang may lakas, magandang pananaw, at handa na harapin ang isang bagong araw na puno ng mga posibilidad.

Ngunit pagkatapos ay lumabas ka sa malawak na mundo—at, ang perpektong araw mo ay nagsimulang magkaroon ng magkakasunod na balakid. Maraming problema at pagtatalo na nangyayari sa buong paligid. At, sa kabila ng pinakamatitinding pagsisikap mo, ang ilan sa mga problemang iyon ay daraanan mo pa rin. Paano mo malalampasan ang mga ito? Ang mas mahalaga rito, paano ka makatutulong sa paglutas ng gayong malaking problema?

Sa napakaraming pagkakataon ng kasamaan at kalupitan sa buhay, mula sa matinding alitan sa kalsada hanggang sa social media trolling. Ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay mas nangangailangan ng mga tagapamayapa nang higit kaysa kailanman!

Inanyayahan tayo ni Pangulong Russell M. Nelson (1924–2025) na “[mag]sumamo sa ating Ama sa Langit na punuin ang ating puso ng dagdag na pag-ibig sa kapwa—lalo na sa mga taong mahirap mahalin—sapagkat ang pag-ibig sa kapwa-tao ay isang kaloob mula sa ating Ama sa Langit para sa tunay na mga tagasunod ni Jesucristo.”

Naunawaan mo ba ang huling bahagi? Ang pag-ibig sa kapwa ay isang kaloob mula sa Ama sa Langit. Sa madaling salita, kahit na nahihirapan ka kung minsan (o madalas) kung paano ka mag-iisip tungkol sa iba o makikitungo sa kanila, maaari kang magsimulang manalangin ngayon para sa kaloob na pag-ibig sa kapwa-tao.

Kailangan ng mundo ang bawat kabaitan—masuwerte, kung gayon, na ikaw ay narito.