Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta kay … Isaac mula sa England
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2026


Digital Lamang: Kumonekta

Isaac R.

17, Lancashire, England

binatilyo

Larawang kuha ni Nathan Reid

Ang mga hamon sa buhay ay hindi pangmatagalan. Kahit nasa pinakamalungkot na bahagi ka ng buhay mo, laging may pag-asa na bubuti rin ito.

Tumutugtog ako ng organo at piano. Gustong-gusto ko ‘yan. Noong nakaraang Pasko, nagkaroon ng konsiyerto ng mga awiting pamasko ang aming mga lokal na kongregasyon kasama ang humigit-kumulang 1,000 katao. Tumugtog ako ng isang pambungad na piyesa na may kumplikadong areglo.

Nahirapan ako habang nagpapraktis, kaya medyo kinabahan ako bago ang konsiyerto. Pero nanalangin ako bago iyon para hilingin sa Diyos na sana ay maging maayos ang lahat at tulungan akong maging kalmado. Nakatulong iyon! Hindi ako panatag talaga, pero kontrolado ko naman ang pagtugtog kaya naging maayos naman ito. Sa katunayan, iyon ang pinakamahusay na pagtugtog ko sa piyesang iyon.

Ang pag-asa kay Cristo ay nangangahulugan ng pagkaalam na tinutulungan Niya tayo sa ating pang-araw-araw na buhay. Mas nararamdaman ko nang lubos ang Espiritu sa pamamagitan ng musika, kaya ang pagtugtog ng organo sa harap ng lahat at pakikinig sa daan-daang mga taong nagkakaisang umaawit ay matinding pakiramdam. Ang pagkaalam na natulungan mo ang ibang tao na madama ang Espiritu ay makakatulong sa iyo mismo na madama ang Espiritu.