Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ang Pagpiling Kumanta
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2026


Mga Tinig ng mga Kabataan

Ang Pagpiling Kumanta

binatilyong kumakanta ng mga himno

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Lagi akong masaya sa pagsisimba, pero may isang bagay na hindi ko talaga gusto: ang kumanta ng mga himno.

Gaano man ako hikayatin ng mga magulang ko, hindi ko ito magawa. Pinasali pa nila ako sa stake conference choir, umaasang makatutulong ito. Pero hindi pa rin ako kumanta—nag-lipsinc lang ako para magmukhang nakikibahagi ako.

Pagkatapos ay dumating ang isang sandali na nagpabago sa lahat.

Sa pangkalahatang kumperensiya noong Abril 2025, nagbigay si Pangulong D. Todd Christofferson ng mensaheng labis na nakaantig sa akin. Sabi niya, “Tayo ay sumasamba sa pamamagitan ng … pag-awit ng mga himno (hindi lamang nakikinig kundi umaawit din ng mga himno).”

Inantig ng mga salitang iyon ang aking puso. Hindi ko naisip kailanman na ang pagkanta ng mga himno ay pagpapakita ng pagsamba. Bigla kong pinagsisihan ang lahat ng panahong iyon na pinili kong tumahimik sa halip na kumanta. Agad akong nangako—hindi lamang na kumanta mula noon, kundi para hikayatin ang iba na kumanta rin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking karanasan.

Madalas hikayatin ng bishop namin kaming mga kabataan na panoorin ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensiya, na sinasabing gagabayan kami ng mga ito sa aming pang-araw-araw na buhay. Hindi ko talaga naunawaan iyon hanggang sa dumating ang mensaheng ito. Ngayon nakikita ko na kung gaano kabisa at kapersonal ang mga mensahe.

Napalakas ng karanasang ito ang aking patotoo. Natutuhan ko na kahit ang isang bagay na kasingsimple ng pag-awit ng himno ay mas maglalapit sa atin sa Ama sa Langit.

binatilyo

Stephen C., edad 14, Telangana, India

Mahilig mag-aral para maging mahusay sa klase, maglaro ng cricket, magsulat ng mga sipi, at manood ng telebisyon.