Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ang Katapangan ng Isang Reyna
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2026


Mga Kuwento mula sa Lumang Tipan

Esther

Ang Katapangan ng Isang Reyna

Esther

Ang Katapangan ng Isang Reyna

I-download ang PDF

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill

Ang Kanyang Kuwento

Ang Paghahanap

Naghanap ang hari ng Persia ng bagong reyna. Humanga siya sa isang dalagitang nagngangalang Esther at pinili siya na hindi batid na isa siyang Judio.

Ang Atas

Kalaunan, gumawa ng atas ang tagapayo ng hari na lahat ng Judio sa kaharian ay dapat patayin. Bilang reyna, nasa posisyon si Esther na tumulong sa pagliligtas sa kanila, ngunit natakot siyang hilingin sa hari na baguhin ang utos. Ang paglapit sa hari nang walang paanyaya ay maaaring magbunga ng kaparusahang kamatayan.

Ang Ayuno

Hiniling ni Esther sa lahat ng Judio na mag-ayuno para sa kanya, at pagkatapos ay nagpunta siya sa hari. Dininig ng hari ang kanyang kahilingan at iniligtas ang buhay ng kanyang mga tao. Dahil matapat at matapang si Esther, nagamit siya ng Diyos para mailigtas ang Kanyang mga anak.

Ang Kuwento Mo

Ang plano ng Ama sa Langit ay perpekto. Kapag pinili mong sundin Siya, kahit nakakatakot ito o mahirap, bibiyayaan ka Niya ng lakas na kailangan mo. Matutulungan ka Niyang malaman kung saan at paano ka makagagawa ng mabuti.