Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ano ang ibig sabihin ng “huwag kang mag-imbot”?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2026


Tuwirang Sagot

Ano ang ibig sabihin ng “huwag kang mag-imbot”?

Si Moises na hawak ang Sampung Utos

Ang ibig sabihin ng mag-imbot ay “kainggitan ang isang tao o magkaroon ng labis na paghahangad para sa isang bagay.” Ang huli sa Sampung Utos ay ang utos na huwag mag-imbot ng anumang bagay na pag-aari ng iba (tingnan sa Exodo 20:17).

Ang Panginoon ay nagbigay na ng utos na huwag magnakaw (tingnan sa Exodo 20:15)—ibig sabihin ay huwag kumuha ng anumang bagay na pag-aari ng ibang tao. Pero sa ikasampung utos, ipinaalam din sa atin ng Panginoon na Siya ay “tumitingin sa puso” (1 Samuel 16:7) at hindi lamang sa ating mga panlabas na kilos.

Mahalaga ang ating mga hangarin dahil “hangarin ang nagdidikta ng ating mga [priyoridad], mga [priyoridad] ang humuhubog sa ating mga pasiya, at mga pasiya ang batayan ng ating mga kilos.” Dahil dito, makatutulong din ang ating mga hangarin para malaman ang ating kaligayahan. At nais ng Panginoon na lumigaya tayo. Iyan ang isang dahilan kaya Niya tayo inutusang huwag mag-imbot.

“Ang pag-iimbot … ay nakasisira sa kaluluwa. Ito ay nagpapasama sa ating isipan at laging nagpapadama sa atin ng lungkot at pagkayamot. Madalas na humahantong ito sa iba pang mga kasalanan at pagkabaon sa utang.”