Sa Loob ng Kanyang mga Pader
Pahayag ng Panginoon, “Narito, aking inanyuan ka sa mga palad ng mga kamay ko, ang iyong mga pader ay laging nasa harapan ko” (Isaias 49:16).
Ang katagang aking inanyuan ka sa mga palad ng mga kamay ko ay palaging nagpapalakas ng tiwala ko sa nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas. Ipinapaalala nito sa akin ang Kanyang matinding kahandaan at hangaring tulungan at pagalingin ako. Ang mga salitang ang iyong mga pader ay laging nasa harapan ko ay minsan nang naging dahilan para mas magtuon ako sa mga pader na aking itinatayo—pag-aalinlangan, takot, o kasalanan—na humahadlang sa akin na lubos na madama ang Kanyang pagmamahal, sa halip na sa Tagapagligtas mismo, na puno ng pagmamahal.
Nang ibahagi ng anak ko na gustung-gusto niya ang banal na kasulatang ito, nagbago ang pananaw ko. Nakasumpong siya ng kapayapaan, kapanatagan, at lakas sa ideya na si Cristo ay nagtatayo ng isang pader ng kaligtasan para sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang pananaw, mas naunawaan ko ang kapangyarihan ng mga tipan. Kapag ginagawa at pinananatili natin ang mga ito, pinipili nating mamuhay sa loob ng Kanyang mga pader ng kaligtasan, kapayapaan, at paggaling.
Lubos tayong bumaling kay Jesucristo at alamin ang kagalakan at seguridad ng paninirahan sa loob ng Kanyang mga pader ng tipan.
Nagmamahal,
Timothy L. Farnes
Young Men General President