Para sa Lakas ng mga Kabataan
Bakit mahalagang tapusin ang dalawang oras ng pagsisimba kung nakatanggap naman na ako ng sakramento?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2026


Mga Tanong at mga Sagot

“Bakit mahalagang tapusin ang dalawang oras ng pagsisimba kung nakatanggap naman na ako ng sakramento?”

dalagita

“Palagay ko mahalagang ipakita sa taong nagtuturo ng lesson na mahalaga sa atin ang sinasabi nila. Nag-ukol sila ng maraming oras sa paghahanda, at may mga bagay ang Diyos na nais Niyang matutuhan natin sa ikalawang oras.”

Brighton T., 15, Utah, USA

binatilyo

“Kahit nakatanggap ka na ng sakramento at pinanibago mo ang iyong mga tipan sa Ama sa Langit, kailangan mo pa ring malaman ang tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Itinuturo din nito sa atin kung paano espirituwal na magagamit ang ating oras dahil hindi tayo laging gumugugol ng sapat na oras sa pag-aaral at pag-uusap tungkol sa Ama sa Langit.”

Samuel T., 14, Utah, USA

dalagita

“Nagsisimba tayo para alalahanin si Cristo at matuto tungkol sa Kanya, pero nakikipag-ugnayan din tayo. Sa ikalawang oras nalaman ko na walang sinumang perpekto; lahat tayo ay may mga tanong, at makahahanap tayo ng mga sagot mula sa ating mga guro, lider, at kapwa miyembro ng klase.”

Ashlin L., 14, Washington, USA

dalagita

“Mas madali kong natututuhan ang tungkol kay Cristo kapag naglalaan ako ng oras para dito. Mas mahirap para sa akin na maglaan ng oras na iyon sa bahay. Kung walang mga lesson sa simbahan, nalilimutan ko ang mahalaga at kung ano ang pinahahalagahan ko. Kaya kahit pagod ako, nananatili ako sa ikalawang oras para alalahanin kung bakit gustung-gusto ko ang pagiging miyembro ng Simbahang ito.”

Callyeva M., 18, Michigan, USA

binatilyo

“Bahagi ng pagsisimba ang makasama ang ibang tao na makatutulong sa iyo. Ang ikalawang oras ay tinutulungan kang matuto tungkol sa mga bagay na partikular na makatutulong sa mga taong kaedad mo. Binibigyan din nito ng pagkakataon ang mga bagong miyembro na makilala ang mga kaibigan na maaaring magpakita ng mabuting halimbawa, malugod silang tanggapin, at tulungan silang matuto.”

Luke B., 12, Texas, USA