Para sa Lakas ng mga Kabataan
Suporta sa Kabila ng mga Nawalang Oportunidad
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2026


Digital Lamang: Mga Tinig ng mga Kabataan

Suporta sa Kabila ng mga Nawalang Oportunidad

Noong nakaraang buwan, napili akong sumali sa isang exchange program sa Germany sa loob ng dalawang linggo. Tuwang-tuwa ako sa oportunidad na iyon: inihanda ko ang mga dokumento ko at video para mag-apply para sa scholarship, at ikinuwento ko sa pamilya ko ang tungkol sa biyahe. Nang handa na ang lahat, inanunsyo ng program coordinator na nagbago na ang minimum na edad sa paglahok, at hindi na ako nakasali.

Pagkalipas ng dalawang linggo, nagkaroon ako ng pagkakataong pumunta sa Estados Unidos para sa isang exchange program, pero napakamahal ng mga bayarin, at hindi namin ito kayang bayaran. Pagkalipas ng isang linggo, nagkaroon ako ng pagkakataong mag-apply sa isa pang programa, pero hindi na naman namin kayang bayaran ito.

Pakiramdam ko ay wala akong silbi dahil hindi ako nakapasok sa alinman sa mga programa. Sa tuwing nawawalan ako ng oportunidad, may isang bagong darating, at pinupuno ako nito ng pag-asa na may bago pa akong pagkakataon. Pero sa huli, mawawala rin sa akin ang oportunidad na iyon.

Noong panahong iyon, pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat sa mga oportunidad na iyon at iyon ang dahilan kung bakit hindi ito nagtatagumpay.

Lagi akong sinusuportahan ni mama sa mga sandaling iyon. Palagi niyang pinapalakas ang loob ko kahit na may mga sariling hamon din siyang kinakaharap. Lubos akong nagpapasalamat sa pagsuporta niya at sa kapayapaang ibinigay sa akin ng Ama sa Langit.

Alam kong gagawin ni Satanas ang lahat para pigilan ang ating pag-unlad; gusto niyang maging miserable tayo, tulad niya. Pero dapat tayong manatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok sa ating pananampalataya. Kapag nahaharap tayo sa mahihirap na sitwasyon, ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay laging nariyan.

dalagita

Alizée A., edad 15, Guatemala Department, Guatemala

Mahilig kumanta, magbasa, magdrowing, maglakad, at makinig ng musika.