Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2026


Kumonekta

Grace S.

17, Lancashire, England

dalagita

Larawang kuha ni Nathan Reid

Hindi ko masabi sa mga kaibigan ko. Hiyang-hiya ako.

Natakot akong magpunta sa mga bagong lugar o magkaroon ng mga bagong kakilala dahil sa anxiety ko.

Pero matapos matanggap ang patriarchal blessing ko, gusto kong labanan ang nadarama kong pagkabalisa at magtagumpay sa lahat ng paraan na sinabi ng basbas na gagawin ko. Nakadama pa rin ako ng pag-aalala, kaba, at takot, kaya ipinagdasal kong tulungan ako ng Panginoon. Nakita niya ang hangarin kong magpakabuti at tinulungan akong magpakabuti.

Mas malakas na ako ngayon kaysa noon. Hindi ko pa tuluyang nadaraig ang anxiety, pero napakalayo na ng narating ko. Si Jesucristo ay may kapangyarihang baguhin ang mundo, pero kailangan din nating hayaang baguhin Niya tayo.

Sa sinumang nakadarama na parang nalulunod na siya, hinihikayat ko kayong hanapin Siya. Isaalang-alang Siya sa bawat pag-iisip. Nais ng Tagapagligtas na madaig natin ang mahihirap na sandali. Kaya Niyang gawing mas madali ang mahihirap na hamon.