Digital Lamang: Mga Tinig ng mga Kabataan
Ang Pagpapatawad ay Nag-aayos
Noong grade seven ako, may isang batang nambu-bully sa akin. Nagkalat siya ng masama at hindi totoong tsismis tungkol sa akin at napaniwala ang ibang mga tao na hindi ako isang mabuting tao. Hindi ako pinapansin ng mga tao dahil sa mga tsismis na ikinalat niya, at maging ang ilan sa mga kaibigan ko ay nagsimulang maniwala sa mga ito. Kinausap ko ang mga magulang ko at isa sa mga titser ko tungkol dito, pero masyado akong natatakot na kausapin ang bata tungkol dito.
Noong tag-init, may band camp ako, at ang batang ito ay kasama ko sa lesson group ding iyon. Noong una, nadismaya ako na muli ko siyang makakasama. Pero nagpasiya akong kausapin siya. Pagkatapos ng pangalawang lesson, sinabi ko sa kanya na ang mga bagay na ipinagkalat niya tungkol sa akin ay hindi totoo at tinanong ko siya kung bakit ginawa niya ang mga iyon.
Humingi siya ng tawad at kalaunan ay umamin siya sa lahat ng nasa paaralan na mali ang ikinalat niyang tsismis. At pinatawad ko siya. Sa band camp, niyaya ko siyang makipaglaro sa akin ng mga kard sa oras ng aming break, at kalaunan ay naging magkaibigan kami.
Bilang isang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, mithiin ko na maging tagapamayapa. Sinisikap kong kaibiganin ang lahat. Itinuro sa akin ng tatay ko ang tungkol sa pagpapatawad at na kapag nagsisi ka sa iyong mga kasalanan, sinabi ng Panginoon na “hindi na [Niya] naaalaala ang mga ito” (Doktrina at mga Tipan 58:42). Maraming maaayos sa pagpapatawad.
Si Jesucristo ang pinakadakilang huwaran. Siya ay perpekto. Alam ko na kung susundin ko Siya, makakapasok ako sa kahariang selestiyal kasama Niya at ng Ama sa Langit.
Brady H., 14, New York, United States
Mahilig lumangoy, maglaro ng lacrosse, at tumugtog ng piyano.