Mga Tinig ng mga Kabataan
Kapangyarihan ng Panalangin
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
Gustung-gusto kong magdasal. Nagdarasal ako na tulungan si Inay na mahanap ang mga bagay na nawala sa kanya. Nagdarasal ako para sa kapatid ko kapag malapit na ang kanyang test o pagsusulit. Nagdarasal din ako sa paaralan at sa oras ng recess, dahil tinutulungan ako ng pagdarasal na gumawa ng mas mabubuting pasiya.
Minsan medyo matigas ang ulo ko, at nagdarasal ako na tulungan din ako na madaig iyon. Kung minsan ay nakikipagtalo ako sa ate ko, at kailangan ko ang tulong ng Ama sa Langit para magsabi ng sorry at patawarin siya. Minsan, ayaw kong gumawa ng math sa paaralan. Humingi ako ng tulong sa Ama sa Langit, at nadaig ko ang katigasan ng ulo ko at nagawa ko ang mga equation.
Talagang sinisikap kong maging masunurin at gawin ang ipinagagawa sa akin ng Ama sa Langit, kahit mahirap ito. Alam ko na tinutulungan Niya ako kapag nagdarasal ako.
Dana H., 13, Ontario, Canada
Mahilig magsayaw, mag-hiking, at kumain ng popcorn.