2025
Ano ang maaari kong gawin kung nahihirapan ako dahil sa pagkabalisa o depresyon?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Disyembre 2025


Ano ang maaari kong gawin kung nahihirapan ako dahil sa pagkabalisa o depresyon?

dalagita

Sa nakalipas na ilang taon, nahirapan ako dahil sa pagkabalisa at depresyon dahil sa maraming pagbabago na agarang nangyari sa buhay ko: Lumipat ako, lumipat ang mga lolo’t lola ko, at namatay ang tito ko sa pancreatic cancer, habang nagpapagamot sa breast cancer ang aking lola. Nagdulot din ng sobrang pagkabalisa ang simula ng middle school. Bagong lugar iyon at bago sa akin ang mga tao at karanasan, at labis akong nahirapan.

Sa panahong ito, pakiramdam ko ay para akong isang switch ng ilaw na pinatay at walang natitirang pag-asa. Nagsimula akong magkaroon ng mga panic attack araw-araw at hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Pagkatapos ay natanto ko na may mapagmahal na Tagapagligtas na tutulong sa akin. Kaya nagdasal ako sa aking Ama sa Langit at nagbasa tungkol kay Jesucristo sa mga banal na kasulatan. Nagsimula akong komunsulta sa isang therapist, at natanggap ko ang aking patriarchal blessing.

Bagama’t napakahirap ng mga buwang iyon para sa akin, marami akong natutuhan. Ngayon kung maaari akong bumalik at baguhin ang anumang bagay upang gawing mas madali ang mga ito, hindi ko iyon gagawin.

Nalaman ko rin kamakailan na lilipat ulit kami ng tirahan, at natanto ko na inihahanda ako ng Ama sa Langit para sa hamon na darating.

Habang tumitibay ang kaugnayan ko sa Diyos, lalo akong nagtitiwala na madaraig ko ang mga hamon sa kalusugan ng aking pag-iisip. Regular akong umaasa ngayon sa aking Tagapagligtas. Siya ang aking kapanatagan at gabay sa magulong mundong ito, at ganito rin Siya sa iyo.

Siya ang ilaw ng sanlibutan. Pagagaanin Niya ang iyong mga pasanin at pagiginhawain ka sa iyong mga pasakit kapag nagsisikap kang maging katulad Niya.

Kynley N., edad 13, Georgia, USA

Nasisiyahan sa pagtakbo sa mahahabang distansya, pagtugtog ng piyano, at anumang bagay sa dalampasigan.