2025
Ano ang alam natin tungkol sa mga pastol sa unang Pasko?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Disyembre 2025


Tuwirang Sagot

Ano ang alam natin tungkol sa mga pastol sa unang Pasko?

dalagita

Shepherds [Mga Pastol], ni Brian Call

Kaunti ang alam natin tungkol sa mga pastol sa unang Pasko.

Malapit sila sa Bethlehem. Ang mga pastol ay nasa “parehong bansa” kung saan ipinanganak si Cristo (Lucas 2:8). At nakarating sila sa Bethlehem nang naglalakad habang naroon pa Siya (tingnan sa Lucas 2:15–16).

Ginagawa nila ang kanilang tungkulin. Ang mga pastol na ito ay “nasa parang na nagbabantay sa kanilang kawan sa gabi” (Lucas 2:8). Sila ay mabubuti at matatapat na pastol, tulad ng Tagapagligtas—ang Mabuting Pastol (tingnan sa Juan 10:11, 14).

Alam nila ang mga propesiya tungkol sa Mesiyas. Malinaw na alam nila ang sinasabi ng anghel nang ibalita niya ang pagsilang ni “Cristo, ang Panginoon” (Lucas 2:11), ang Mesiyas na ipinropesiya noon.

Napakasigasig nila. Nang sabihin sa kanila ng anghel ang tungkol sa “sanggol na … nakahiga sa isang sabsaban” (Lucas 2:12), sila ay “nagmamadaling” pumunta upang makita Siya (Lucas 2:16).

Ibinahagi nila ang mabuting balita. “Ipinaalam” nila ang mga narinig at nakita nila hinggil sa mensahe ng anghel tungkol sa pagsilang ni Cristo (Lucas 2:17).

Sila ay nagpasalamat at nagpuri sa Diyos. Matapos ang lahat ng ito, sila ay “bumalik … na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil sa lahat ng kanilang narinig at nakita” (Lucas 2:20).