Masayang Bahagi
Larawang-guhit ni Christy Schneider
Gumawa ng Origaming Bituin
Noong isilang si Jesucristo, isang bagong bituin ang lumitaw (tingnan sa Helaman 14:5; Mateo 2:2). Gumawa ng isang origaming bituin bilang isang paraan upang maalaala Siya!
Gupitin ang pentagon template (o bakatin ito sa bagong papel at pagkatapos ay gupitin ito), at pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin sa video. Isabit ang bituin sa iyong Christmas tree o sa ibang lugar na makikita mo ito nang madalas.
Mga Pattern ng Ilaw
Sa ilang bansa, naglalagay ang mga tao ng mga Christmas light sa kanilang mga tahanan o mga puno. Maipapaalala sa atin ng mga Christmas light na “paliwanagin ang mundo.” Higit sa lahat, maipapaalala nito sa atin ang “ilaw ng sanlibutan” na si Jesucristo (Juan 8:12).
Ang mga Christmas light sa tagpong ito ay inayos ayon sa kulay, nang may pattern. Makakahanap ka ba ng anim na lugar kung saan hindi sinunod ng mga kulay ang pattern nito?
Isang Quiz tungkol sa Unang Pasko
Gaano ang nalalaman mo tungkol sa unang Pasko, noong ipanganak si Jesucristo? Subukan kung gaano ang iyong kaalaman sa quiz na ito na tama o mali.
-
Ipinanganak ni Maria si Jesus sa lungsod ng Nazaret. (Lucas 2:4)
Tama
Mali
-
Nagpunta sina Jose at Maria sa Bethlehem upang ipagdiwang ang Paskua. (Lucas 2:4–5)
Tama
Mali
-
Inihiga ni Maria si Jesus sa isang sabsaban. (Lucas 2:7)
Tama
Mali
-
Hindi dinalaw ng mga pantas na lalaki si Jesus noong gabing isinilang Siya, pero dinalaw ito kalaunan. (Mateo 2:11)
Tama
Mali
-
Ang mga pantas na lalaki ay nagdala ng ginto, kamangyan, at clove bilang mga regalo para sa Tagapagligtas. (Mateo 2:11)
Tama
Mali
Komiks
OK, sino ang naglagay kay Mrs. Claus sa Listahan ng mga Pilyo?
Val Chadwick Bagley
Nag-aalala ka ba na ang “mga anghel sa langit” na “tumatanod” ay nagbabahagi kay Santa Claus ng mga natuklasan nila?
Arie Van De Graaff
Mga Sagot
Isang Quiz tungkol sa Unang Pasko: 1: Mali (Bethlehem). 2: Mali (para magpatala). 3: Tama. 4: Tama. 5: Mali (ginto, kamangyan, at mira).
Mga Pattern ng Ilaw: