Ang Pansamantalang Kasunduan sa Pasko
Bisperas iyon ng Pasko noong 1914.
Ang Malaking Digmaan—na tinawag kalaunan na Unang Digmaang Pandaigdig—ay limang buwan nang nagaganap.
Sa Belgium, naglaban ang mga sundalo sa magkabilang panig mula sa mahaba at makitid na kanal na hinukay sa lupa.
Ang area sa pagitan nila ay tinatawag na “No Man’s Land.”
Libu-libong kawal sa magkabilang panig ang napatay sa mga kanal na ito o sa No Man’s Land.
Pero sa Bisperas ng Pasko, narinig ng mga kawal na British ang mga Aleman na kumakanta ng mga awiting Pamasko.
Stille Nacht, heilige Nacht, alles schläft, einsam wacht …
Nagsimula ring kumanta ang mga British.
Kaytahimik ng paligid! Sa gabing marikit …
Kumakanta sila sa iba’t ibang wika, pero ang mga awitin tungkol sa pagsilang ng ating Tagapagligtas ay para sa lahat.
Ang diwa ng Kapaskuhan—ang mensahe ni Jesucristo tungkol sa kapayapaan, pagmamahal, at pagpapatawad—ay nagsimulang manaig sa mga kawal sa magkabilang panig.
Karamihan sa kanila ay mga kabataang Kristiyanong lalaki na ginugugol ang kanilang unang Pasko na malayo sa tahanan.
Ibinaba ng mga kawal ang kanilang mga sandata at maingat na gumapang palabas sa kanilang mga kanal papunta sa No Man’s Land.
Walang sinumang nagpaputok.
Ang mga kabataang lalaking ito—na “magkakaaway” lamang dahil sa bansa kung saan sila nagmula—ay nagsimulang mag-usap.
“Maligayang Pasko!”
“Frohe Weihnachten!”
Nagpalitan sila ng maliliit na regalo tulad ng mga kendi at souvenir.
Sinipa nila ang isang football.
Nag-ukol sila ng oras na ilibing ang kanilang mga patay.
Hindi maiiwasan, kailangang magpatuloy ang labanan.
Ngunit laging maaalala ng mundo ang pansamantalang kasunduan sa Pasko.
Ipinakita nito na ang pananampalataya sa Tagapagligtas na si Jesucristo, ay makapaghahatid ng isang bagay na nais ng lahat:
Kapayapaan.