Isang Bagong Pananaw sa Kuwento ng Pasko
Hindi lamang ang pagsilang ni Jesucristo ang ipinagdiriwang natin—ipinagdiriwang natin ang nabuhay na muli, at buhay na Cristo.
Tuwing Pasko naririnig at ibinabahagi natin ang kuwento ng pagsilang ni Jesucristo. Isang bagay ito na magandang gawin! Pero ang pagsilang ni Jesucristo ay walang hanggan ang kahalagahan dahil sa layunin ng Kanyang pagsilang.
Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008), “Hindi magkakaroon ng Pasko kung walang Pasko ng Pagkabuhay. Ang sanggol na si Jesus ng Bethlehem ay magiging pangkaraniwang sanggol kung wala ang pagtubos ni Cristo sa Getsemani at sa Calvario, at ang matagumpay na katotohanan ng Pagkabuhay na Muli.”
Nasasaisip iyan, narito ang isang simpleng aktibidad na magagawa mo kasama ang iyong pamilya, mga kaibigan, korum, o klase sa Kapaskuhang ito.
Paano Ito Gagawin
Dalawang tagabasa ang magsasalitan sa pagbabasa ng mga sumusunod na banal na kasulatan. Babasahin ng isa ang mga talata tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas sa kaliwang hanay, at babasahin naman ng isa pa ang mga talata tungkol sa Kanyang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Muli sa kanang hanay. Magpatuloy hanggang sa makarating kayo sa dulo.
|
Ang Pagsilang ng Tagapagligtas |
Ang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Muli ng Tagapagligtas |
|---|---|
|
Lucas 2:4 |
Marcos 14:32 |
|
Lucas 2:5 |
Marcos 14:33 |
|
Lucas 2:6 |
Marcos 14:35 |
|
Lucas 2:7 |
Marcos 14:36 |
|
Lucas 2:8 |
Lucas 22:44 |
|
Lucas 2:9 |
Marcos 15:1 |
|
Lucas 2:10 |
Marcos 15:12–13 |
|
Lucas 2:11 |
Marcos 15:17–18 |
|
Lucas 2:12 |
Marcos 15:19–20 |
|
Lucas 2:13–14 |
Lucas 23:33–34 |
|
Lucas 2:16–17 |
Juan 20:1 |
|
Mateo 2:1–2 |
Juan 20:15–16 |
|
Mateo 2:11 |
Juan 20:17 |
Ilang Bagay na Pag-iisipan
Habang binabasa ninyo ang tungkol sa pagsilang, Pagbabayad-sala, at Pagkabuhay na Muli ni Jesucristo, may naisip pa ba kayong iba pang mga talata sa banal na kasulatan? May naiisip ba kayong ilang talata mula sa Aklat ni Mormon o Doktrina at mga Tipan? Maaari ninyong idagdag ang mga ito sa listahang ito at ibahagi ang mga ito.
Mag-ukol ng oras na pagnilayan kung ano ang kahulugan sa inyo ng pagsilang, buhay, mga turo, at Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Kapag ginawa ninyo ito, mapapatotohanan ng Espiritu Santo na si Jesucristo ay isinilang para sa inyo at na Siya ay nabuhay, “S’ya’y nagdusa’t nag-alay ng buhay” para sa inyo dahil isinugo Siya ng Ama sa Langit. Mahal Nila kayo. At Siya ay buhay ngayon upang maghatid ng kapayapaan, pag-asa, at kagalakan sa inyo.