Ang mga Pantas na Lalaki—at mga Kabataan—ay Naghahanap sa Kanya
Ikinukuwento sa mga banal na kasulatan ang tungkol sa mga pantas na lalaki na masigasig na hinanap ang mga tanda ng pagsilang ng Mesiyas (tingnan sa Mateo 2:1–2). Nang makita nila ang tanda, masigasig nilang sinundan ang liwanag nito upang kanilang “mahanap” Siya. Paano nila nalaman ang tandang ito?
Maaaring kinailangan ng mga pantas na lalaki na mag-ukol ng maraming oras sa pag-aaral tungkol sa mga propesiya upang makilala nila ang mga tanda kapag lumitaw ang mga ito. Marahil ay sinaliksik nila ang mga tandang ito ng pagsilang ng Tagapagligtas mula sa kanilang kabataan.
Sa Kapaskuhang ito, kapag naririnig natin ang malakas at nakakaakit na mga paanyayang naglalayo sa atin sa tunay na pagdiriwang ng Kanyang pagsilang, nawa’y masigasig Siyang hanapin ng bawat isa sa atin. Nawa’y pag-aralan natin ang mga banal na kasulatan at alamin ang Kanyang mga tanda. Nawa’y makilala natin ang Kanyang mga gawa, Kanyang Pagbabayad-sala, Kanyang mga salita, Kanyang kapayapaan, at Kanyang pagmamahal. Inaanyayahan ko kayong masigasig na hanapin Siya habang binabasa ninyo ang mga artikulo sa isyung ito at, tulad ng mga pantas na lalaki noon, hanapin Siya.
Ang inyong kaibigan,
David J. Wunderli
Unang Tagapayo sa Young Men General Presidency