2025
Kumonekta
Para sa Lakas ng mga Kabataan Disyembre 2025


Kumonekta

Bao N.

18, Moss, Norway

binatilyo

Larawang kuha ni Ashlee Larsen

Palagi akong nasasangkot sa away noon sa paaralan bago ako naging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Basagulero ako at hindi talaga maganda ang asal. Pero nagbago ang lahat matapos kong makilala ang mga missionary at madama ang Espiritu Santo.

Talagang takot akong magsimba nang mag-isa. Naisip ko, “Sino ang makakatabi ko sa upuan?” Paro malugod akong tinanggap ng mga tao ng Simbahan sa Moss. Sila ay parang kapamilya.

Ngayon, gusto kong sumama sa mga missionary kapag may mga tuturuan sila. Gusto nila na ipinaliliwanag ko kung paano ako natutulungan ng Diyos at ni Cristo at ng Espiritu Santo sa buhay ko araw-araw.