Mga Tinig ng mga Kabataan
Pagkakaroon ng Kagalakan sa Paglilingkod
Mga larawang-guhit ni Katelyn Budge
Isang Disyembre, iminungkahi ko sa aking pamilya na magkaroon kami ng charity drive para sa Pasko. Alam ko na kapag wala kang tirahan, hindi madaling kumita ng pera o magkaroon ng pagkain, at nalungkot ako na hindi madarama ng ilang tao ang Pasko.
Nagtipon ang pamilya ko ng ilang pagkain at laruan at ibinigay ang mga ito sa mga taong nangangailangan. Tuwang-tuwa ako dahil hindi pa ako nakagawa ng ganoon noon. Lubos na nagpasalamat ang mga tao, at nasiyahan ako na naimpluwensyahan ko sila sa positibong paraan at naipadama na may nagmamalasakit sa kanila. Nadama ko na mas lalo akong naging konektado sa Tagapagligtas dahil Siya ay mapagbigay at mapagmalasakit. Ang pagtulad sa Kanyang mga katangian ay nagpatibay sa kaugnayan ko sa Kanya.
Sa palagay ko ang ministering ay tungkol sa pagpansin sa mga taong nakapaligid sa iyo. Tungkol ito sa pagmamasid kung ano ang maaari mong gawin, kahit maliit, para makagawa ng kaibhan sa buhay ng isang tao.
Alajoy M., 16, Gauteng, South Africa
Mahilig sa teatro, pagbabasa, at mga craft project.