Pagsasanay ng Kasanayan 7
Tumugon sa Nadaramang Kakulangan
Normal lamang na makaramdam ng kakulangan kapag nakararanas tayo ng mga bago o mapaghamong sitwasyon. Ang pagtuon sa mga bagay na maaari nating kontrolin ay isang paraan upang matulungan tayong mapagtagumpayan ang mga damdamin ng kakulangan.
Lider ng talakayan: Sikaping gawing maikli ang mga bahaging “Ipaliwanag” at “Ipakita” upang magkaroon ng maraming oras ang mga mag-aaral para magsanay.
Ipaliwanag
Lider ng talakayan: Ipaliwanag na kapag gumagawa ng mga bagong bagay, normal lang na makadama ng kakulangan. Maaari kang magbigay ng halimbawa mula sa sarili mong buhay noong nakadama ka ng kakulangan.
-
Ano ang isang sitwasyon kamakailan na naging sanhi para makadama ka ng kakulangan?
-
Ano ang ginawa mo na nakatulong o hindi nakatulong sa iyo?
-
Bakit mahalagang umasa sa Panginoon kapag nakadarama tayo ng kakulangan? (tingnan sa Filipos 4:13; Alma 26:12)
Lider ng talakayan: Basahin nang sabay-sabay ang sumusunod na talata. (Maaari mo ring sabihin sa mga mag-aaral na hanapin at i-highlight ang talatang ito sa pahina 33 ng Pag-adjust sa Buhay-Missionary.)
Huwag mong subukang kontrolin ang hindi mo makokontrol. Ang pagsisikap na kontrolin ang mga bagay na hindi mo makokontrol ay lalo lamang nagpapadama sa iyo na hindi mo ito kaya, na magdaragdag sa iyong pagkabalisa. Ituon ang iyong lakas sa mga bagay na may magagawa ka pa. (Adjusting to Missionary Life [2013], 33)
-
Sa palagay mo, paano makatutulong ang pagtutuon sa mga bagay na makokontrol natin para madaig natin ang damdamin ng kakulangan?
Ipakita
Lider ng talakayan: Para matulungan ang mga miyembro ng klase na matuto kung paano magtuon sa kung ano ang makokontrol nila, sama-samang basahin ang sumusunod na mga halimbawa.
Maaari ninyong talakayin kung bakit ang mga halimbawa sa kaliwang column ay hindi makokontrol ng isang tao. Bago ibahagi ang mga sagot sa kanang column, anyayahan ang mga mag-aaral na alamin kung makakaisip sila ng mga sagot nang mag-isa.
|
Hindi makokontrol |
Makokontrol |
|---|---|
|
“Gusto kong maging mabuting tao, pero madalas akong makadama ng kabiguan dahil sa mga pagkakamali ko.” |
“Kaya kong gawin ang lahat ng makakaya ko at alam ko na minsan ay hindi ko naaabot ang nais kong maabot. Sa pamamagitan ng pagsisisi sa araw-araw at sa tulong ng Tagapagligtas, unti-unti akong magiging mas katulad ni Cristo.” |
|
“Hindi ko alam kung masasalita ko ang wika na kasing husay ng kompanyon ko.” |
“Maaari kong masigasig na pag-aralan ang wika araw-araw at mapanalanging hingin ang tulong ng Diyos.” |
Magsanay
Lider ng talakayan: Idispley ang sumusunod na karagdagang mga halimbawa at bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na magpraktis kasama ang kanilang mga kapartner. Maaari ding mag-isip ang mga mag-aaral ng iba pang mga halimbawa.
|
Hindi makokontrol |
Makokontrol |
|---|---|
|
“Ang mga kaibigan ko ay hindi kasing dami ng mga kaibigan ng ibang tao.” | |
|
“Nalulula ako kapag iniisip ko ang pagmimisyon. Parang mahirap itong gawin at mamimiss ko ang aking pamilya at mga kaibigan, at maraming bagay ang hindi ko alam.” | |
|
“Mas maraming tao ang nabinyagan ng ibang missionary kaysa sa akin. Iniisip ko kung hindi ba talaga matagumpay ang aking misyon.” |
Ipamuhay
Lider ng talakayan: Tulungan ang mga mag-aaral na isipin kung paano nila magagamit sa kanilang buhay ang kasanayang ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sumusunod na paanyaya:
Sa susunod na linggo, maglaan ng oras na pansinin kung ikaw ba ay nakakaramdam ng kakulangan. Pagkatapos, hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang magtuon sa kung ano ang maaari mong kontrolin.