Lesson 12
Pag-adjust sa Buhay-Missionary
Kasama sa paghahada para sa pagiging missionary ang paghahada para sa pisikal, espirituwal, emosyonal, at mental na mga pangangailangan ng gawaing misyonero. Ang Pag-adjust sa Buhay-Missionary (2013) ay makatutulong sa mga missionary at sa mga naghahandang maging missionary na matugunan ang mga pangangailangang ito. Nagbibigay ito ng mga tuntunin na makatutulong sa atin na matanggap ang lakas ng Panginoon at magkaroon ng kagalakan sa gawaing misyonero.
Magrebyu at Mag-follow Up
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga mag-aaral na isipin ang kanilang mga pagsisikap kamakailan na ipamuhay ang kanilang natututuhan sa klaseng ito. Maaari mo silang anyayahan na ibahagi ang ilan sa kanilang mga pagsisikap sa isang kapartner o sa buong klase.
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral
Lider ng talakayan: Mapanalanging piliin ang (mga) opsiyon sa pag-aaral na pinakamainam para sa iyong klase. Siguraduhing maglaan ng maraming oras para sa pagsasanay at pagsasabuhay.
Tandaan: Maraming pagpraktis ng kasanayan na may kaugnayan sa mga paksa sa lesson na ito. Isiping gamitin ang isa sa mga sumusunod sa parehong class period na ituturo mo ang isang aktibidad sa pag-aaral mula sa lesson na ito: “Makipag-usap sa Lahat,” “Pagtugon sa Damdamin ng Kakulangan ng Kakayahan,” “Sadyang Paghinga,” at “Magkaroon ng Mabubuting Paraan ng Pag-iisip.”
Opsiyon A: Ano ang makatutulong sa akin na makapag-adjust sa buhay-missionary?
Mag-aral
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga miyembro ng klase na isipin ang mga pagkakataong kailangan nilang mag-adjust sa mga bagong sitwasyon sa kanilang buhay. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang paglipat sa bagong tahanan, pagsapi sa Simbahan, paglipat ng paaralan, pakikipagkilala sa isang bagong tao, o pagsisimula sa bagong trabaho. Sabihin sa kanila na ibahagi kung ano ang naging karanasan nila. Ang mga tanong tulad ng sumusunod ay maaaring makatulong sa talakayang ito:
-
Anong bahagi ng pagbabago ang hindi komportable para sa iyo?
-
Anong bahagi ang kapana-panabik para sa iyo?
-
Ano ang nakatulong sa iyo na umangkop sa iyong bagong sitwasyon?
Lider ng talakayan: Ipakita ang isa o higit pang mga larawan ng mga full-time missionary, tulad ng mga sumusunod. Sabihin sa mga mag-aaral na ibahagi kung ano ang sa palagay nila na magiging kapana-panabik para sa kanila sa pagiging full-time missionary at kung ano ang sa palagay nilang magiging mahirap para sa kanila.
Lider ng talakayan: Ipaliwanag na sa aktibidad na ito sa pag-aaral, makikilala ng mga miyembro ng klase ang isang sanggunian na pinamagatang Pag-adjust sa Buhay-Missionary (2013). Tulungan silang mahanap ang Pag-adjust sa Buhay-Missionary sa Gospel Library (Library > Mga Hanbuk at Calling > Mga Calling sa Mission > Pag-adjust sa Buhay-Missionary). Ipakilala ang resource na ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sumusunod na mga tagubilin:
Basahin ang “Ang Stress ay Normal na Bahagi ng Buhay” sa bahaging “Pag-unawa sa Nararamdamang Stress” ng Pag-adjust sa Buhay-Missionary (pahina 3). Hanapin ang layunin ng buklet na ito.
-
Sa palagay mo, paano makatutulong sa iyo ang resource na ito ngayon at sa hinaharap?
Magsanay
Lider ng talakayan: Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga miyembro ng klase na magkaroon ng personal na karanasan sa pagiging pamilyar sa Pag-adjust sa Buhay-Missionary. Maaari din itong maghanda at magbigay inspirasyon sa kanila na pag-aralan nang mag-isa ang resources na ito.
Idispley ang mga tagubilin na ito at bigyan ang mga mag-aaral ng mga 10–15 minuto para makumpleto ang aktibidad.
-
Basahin ang “Self-Assessment Record” sa Pag-adjust sa Buhay-Missionary (pahina 11).
-
Pumili ng isa sa mga kategorya mula sa self-assessment (Pangkalahatan, Pisikal, Emosyonal, Panlipunan, Intelektuwal, Espirituwal) na nais mong matutuhan pa.
-
Hanapin ang bahagi ng Pag-adjust sa Buhay-Missionary na may kaugnayan sa kategoryang pinili mo. Pag-aralan ang ilang bahagi ng bahaging iyon na pinakanauugnay sa iyo. Hanapin at isiping markahan ang mga turong makatutulong sa iyo sa iyong kasalukuyang sitwasyon.
Lider ng talakayan: Pagkatapos mag-aral ang mga miyembro ng klase, anyayahan silang ibahagi ang natutuhan nila sa isang kapartner o sa isang maliit na grupo. Maaari mong idispley ang sumusunod na mga tanong at anyayahan ang mga kapartner o miyembro ng grupo na talakayin ang mga ito nang sabay-sabay:
-
Ano ang ilan sa mga mungkahi o turo na nakita mong lubos na nakatutulong?
-
Ano ang natutuhan mo tungkol sa kung paano ka matutulungan ng Panginoon na umangkop sa mga pangangailangan sa buhay ngayon at sa hinaharap bilang missionary?
Magtakda ng mithiin
Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila at magtakda ng mga mithiin. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod para matulungan sila:
Magtakda ng mithiin na nauugnay sa iyong napag-aralan. Gumamit ng mga ideyang tulad ng sumusunod, o mag-isip ng sarili mo.
-
Patuloy na pag-aralan ang bahagi ng Pag-adjust sa Buhay-Missionary na sinumulan mong aralin sa aktibidad na ito sa pag-aaral. Maghanap ng mga mungkahi na maaari mong simulang gamitin sa iyong buhay.
-
Gumawa ng plano kung paano mo pag-aaralan ang iba pang bahagi ng Pag-adjust sa Buhay-Missionary.
Ang aking mithiin
-
Ako ay … (ang gagawin mo).
-
Isasakatuparan ko ang aking mithiin sa pamamagitan ng … (isang simpleng plano).
Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay mayroong grupo kung saan ibinabahagi nila ang kanilang mga mithiin sa kabuuan ng kurso, bigyan sila ng oras para ibahagi kung paano nila susuportahan o papaalalahanan ang isa’t isa bago magsimula ang susunod na klase.
Opsiyon B: Ano ang pakiramdam ng maging full-time missionary?
Mag-aral
Lider ng talakayan: Maaari mong isulat sa pisara ang mga sagot ng mga miyembro ng klase sa sumusunod na tanong.
-
Ano ang mga tanong mo tungkol sa pakiramdam ng pagiging full-time missionary?
-
Paanong ang mga missionary ay kailangang manampalataya kay Jesucristo?
-
Ano ang magagawa mo ngayon para makapaghanda para sa buhay bilang missionary?
Lider ng talakayan: Bilang bahagi ng inyong talakayan, maaari ninyong talakayin ang pahayag na ito ni Elder David A. Bednar.
Ang pinakamahalagang bagay na magagawa ninyo para makapaghanda sa tawag na maglingkod ay ang maging missionary bago pa man kayo magpunta sa misyon. (“Pagiging Misyonero,” Liahona, Nob. 2005, 45)
-
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng maging missionary bago ka pa man magmisyon?
Lider ng talakayan: Ipaliwanag na ang aktibidad na ito sa pag-aaral ay tutulong sa mga miyembro ng klase na mahanap ang mga sagot sa ilan sa kanilang mga tanong. Gamitin ang isa o higit pa sa sumusunod na mga ideya para mas maunawaan nila kung ano ang pakiramdam ng paglilingkod bilang full-time missionary.
-
Anyayahan ang ilang bagong returned missionary na pumunta sa klase at sagutin ang mga tanong ng mga kalahok (isiping mag-anyaya kapwa sa mga teaching at service missionary). Maaari din nilang ilarawan ang karaniwang araw para sa isang missionary. Hikayatin ang mga returned missionary na ilarawan kung paano nila nadama ang tulong ng Panginoon at naging mas malapit sa Kanya sa kanilang paglilingkod bilang missionary.
-
Ipalabas ang isa sa mga video na ito na naglalarawan ng karanasan sa Missionary Training Center: “The England Missionary Training Centre” (3:06; ChurchofJesusChrist.org) o “Provo Missionary Training Center Tour” (8:42; YouTube). Maaari mo ring ipalabas ang “Young Church-Service Missionaries: Serving the Lord” (3:40; ChurchofJesusChrist.org) para matulungan ang mga miyembro ng klase na maunawaan ang mga pagkakataong maglingkod bilang service missionary.
-
Ipabasa sa mga kalahok ang “Karaniwang mga Aktibidad sa Araw-araw” (2.4.1) at ang “Halimbawa ng Iskedyul sa Araw-araw” (2.4.2) sa Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo. Matatagpuan nila ang resource na ito sa Gospel Library (Library > Mga Hanbuk at Calling > Mga Calling sa Mission > Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo).
Pagkatapos nilang makumpleto ang (mga) aktibidad na pinili mo, bigyan ang mga miyembro ng klase ng pagkakataong talakayin ang kanilang natutuhan. Maaari mong itanong ang mga sumusunod:
-
Paano kayo pinagpapala ng Panginoon habang sinisikap ninyong maging missionary?
Magsanay
Lider ng talakayan: Ang isang paraan na matutulungan mo ang mga mag-aaral na “maging missionary” bago pa sila magmisyon ay bigyan sila ng mga pagkakataong makapagpraktis na turuan ang iba. Isiping hilingin sa mga miyembro ng klase na hanapin ang lesson 1, 2, o 3 sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Sabihin sa kanila na pag-aralan ang isa sa mga paksa sa bahaging “Pinagbatayang Doktrina” ng lesson at maghandang ituro ito. (Tingnan ang lesson 6: “Magsanay sa Pagtuturo” sa materyal na ito ng kurso para sa mga ideya kung paano mo maihahanda ang karanasang ito.)
Matapos magkaroon ng sapat na oras ang mga mag-aaral para maghanda, anyayahan silang magpraktis na turuan ang isang kaklase.
Magtakda ng mithiin
Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila at magtakda ng mga mithiin. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod para matulungan sila:
Magtakda ng mithiin na nauugnay sa iyong napag-aralan. Gumamit ng mga ideyang tulad ng sumusunod, o mag-isip ng sarili mo.
-
Isulat kung ano ang gagawin mo para higit ka pang “maging missionary” bago ka pa man magmisyon.
-
Tingnan kung may pagkakataon para sa inyo na makibahagi sa isang teaching appointment o iba pang mga aktibidad sa proselyting kasama ang mga lokal na full-time missionary.
-
Kausapin ang mga kakilala mo na nakapagmisyon na. Tanungin sila tungkol sa paglilingkod bilang missionary.
Ang aking mithiin
-
Ako ay … (ang gagawin mo).
-
Isasakatuparan ko ang aking mithiin sa pamamagitan ng … (isang simpleng plano).
Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay mayroong grupo kung saan ibinabahagi nila ang kanilang mga mithiin sa kabuuan ng kurso, bigyan sila ng oras para ibahagi kung paano nila susuportahan o papaalalahanan ang isa’t isa bago magsimula ang susunod na klase.
Opsiyon C: Paano ko espirituwal na maihahanda ang aking sarili ngayon para sa paglilingkod bilang missionary?
Mag-aral
Lider ng talakayan: Basahin at talakayin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong M. Russell Ballard. Maaari mo ring ipalabas ang video na “Stay within the Lines” (5:10; ChurchofJesusChrist.org) bilang bahagi ng talakayan.
Ang kailangan namin ngayon ay ang pinakadakilang henerasyon ng mga misyonero sa kasaysayan ng Simbahan. Kailangan namin ang mararapat, may kakayahan, espirituwal na masisiglang misyonero. … Hindi namin kayo kailangan para lang punan ang isang posisyon; kailangan namin ang inyong buong puso at kaluluwa. Kailangan namin ng mga misyonerong masisigla, nag-iisip, at alam kung paano makinig at tumugon sa mga bulong ng Banal na Espiritu. … Bilang Apostol ng Panginoong Jesucristo, nananawagan ako sa inyo na magsimula ngayon din … na maging ganap at lubos na marapat. (“The Greatest Generation of Missionaries,” Ensign, Nob. 2002, 47)
-
Ano ang pinakamahalaga para sa inyo mula sa pahayag na ito?
-
Sa palagay ninyo bakit mahalaga ang espirituwal na paghahanda at pagiging karapat-dapat sa paglilingkod bilang missionary?
Lider ng talakayan: Bilang bahagi ng inyong talakayan, maaari ninyong pag-aralan nang sama-sama ang Doktrina at mga Tipan 11:21 at Alma 17:2–3. Maaari ding maghanap ng mga halimbawa ang mga kalahok kung paano espirituwal na inihanda ng Tagapagligtas ang Kanyang sarili para sa Kanyang ministeryo (tingnan, halimbawa, sa Mateo 4:2; Marcos 1:35; at Juan 8:28).
-
Ano ang ilang partikular na paraan na espirituwal na maihahanda mo ngayon ang iyong sarili para sa paglilingkod bilang missionary?
Lider ng talakayan: Anyayahan ang mga mag-aaral na kanya-kanyang gumawa ng isang listahan ng mga sagot sa naunang tanong. Maaari nilang ibahagi ang isa o dalawang item sa kanilang listahan sa isang kapartner. Ipaliwanag na hindi sila dapat magbahagi ng mga bagay na masyadong personal.
Magsanay
Lider ng talakayan: Ipaliwanag na bago sila magmisyon, ang mga prospective missionary ay iniinterbyu ng kanilang bishop at stake president para malaman ang kanilang pagiging karapat-dapat at kahandaang maglingkod.
Sabihin sa mga miyembro ng klase na hanapin ang mga tanong sa interbyu para sa paglilingkod bilang missionary sa artikulong “Mga Tanong sa Interbyu” (Liahona, Ago. 2018, 53–54). Maaari mo ring ihanda ang mga tanong na ito bilang isang handout. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tagubilin:
Maglaan ng oras para tahimik na basahin ang bawat tanong sa interbyu para sa paglilingkod bilang missionary. Matapos mong basahin ang mga tanong, tukuyin kung ano sa tingin mo ang nagagawa mo nang mabuti, at kung ano ang mga bagay na gusto mo pang paghusayin.
Lider ng talakayan: Matapos magkaroon ng oras ang mga mag-aaral na basahin ang mga tanong sa interbyu, isiping talakayin ang sumusunod na mga tanong:
-
Paano makatutulong ang pagrerebyu at pagninilay sa mga tanong sa interbyu na ito para maihanda ka sa paglilingkod bilang missionary?
-
Bakit mahalagang maging lubos na tapat sa iyong sarili at sa iyong mga lider ng priesthood kapag sinasagot ang mga tanong na ito?
Magtakda ng mithiin
Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila at magtakda ng mga mithiin. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod para matulungan sila:
Magtakda ng mithiin na nauugnay sa iyong napag-aralan. Gumamit ng mga ideyang tulad ng sumusunod, o mag-isip ng sarili mo.
-
Tukuyin kung ano ang gagawin mo para maging mas espirituwal na handa ka para magmisyon.
-
Kung hindi mo pa natatanggap ang iyong patriarchal blessing, mapanalanging isipin kung kailan ang tamang panahon para matanggap mo ito.
-
Higit na makibahagi sa gawain sa templo at family history.
Ang aking mithiin
-
Ako ay … (ang gagawin mo).
-
Isasakatuparan ko ang aking mithiin sa pamamagitan ng … (isang simpleng plano).
Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay mayroong grupo kung saan ibinabahagi nila ang kanilang mga mithiin sa kabuuan ng kurso, bigyan sila ng oras para ibahagi kung paano nila susuportahan o papaalalahanan ang isa’t isa bago magsimula ang susunod na klase.
Sa Susunod
Lider ng talakayan: Kung handa ka nang ituro ang lesson 13 sa susunod, isiping anyayahan ang mga miyembro ng klase na isipin ang pag-unlad na nagawa nila sa kanilang paghahanda na magmisyon mula noong magsimula ang kurso. Maaari kang magpadala sa kanila ng isang paalala.