Lesson 3
Tuparin ang Iyong Layunin Bilang Misyonero
Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 1
Ang layunin ng missionary ay “anyayahan ang iba na lumapit kay Cristo sa pagtulong sa kanila na tanggapin ang ipinanumbalik na ebanghelyo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala, pagsisisi, binyag, pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at pagtitiis hanggang wakas” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo [2023], 1). Ang pag-unawa at pag-aangkop ng layuning ito sa lahat ng aspekto ng gawaing misyonero ay makapagpapasigla sa pag-iisip, paghahanda, at pagmimisyon ng mga kabataan.
Magrebyu at Mag-follow Up
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga mag-aaral na isipin ang kanilang mga pagsisikap kamakailan na ipamuhay ang kanilang natututuhan sa klaseng ito. Maaari mo silang anyayahan na ibahagi ang ilan sa kanilang mga pagsisikap sa isang kapartner o sa buong klase.
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral
Lider ng talakayan: Mapanalanging piliin ang opsiyon sa pag-aaral o mga opsiyon na higit na kapaki-pakinabang sa iyong klase. Siguraduhing maglaan ng maraming oras para sa pagsasanay at pagsasabuhay.
Opsiyon A: Ano ang layunin ng missionary?
Mag-aral
Lider ng talakayan: Isiping ibahagi ang sumusunod na sitwasyon para simulan ang talakayan tungkol sa layunin ng missionary.
Kunwari ay may kaibigan ka na hindi miyembro ng Simbahan. Nang tanungin ka ng kaibigan mo kung ano ang mga plano mo ngayon, binanggit mo na dadalo ka sa missionary preparation class. Pagkatapos ay itinanong ng kaibigan mo, “Ano ang ginagawa ng mga missionary?”
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga mag-aaral na pag-isipan o ibahagi ang kanilang sasabihin. Ipaliwanag na bagama’t maraming paraan para masagot ang tanong, ang pangunahing layunin ng missionary ay ibinuod sa simula ng kabanata 1 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ipakita ang mga sumusunod na tagubilin. Bigyan ang mga mag-aaral ng oras na mag-aral at talakayin sa kapartner o sa maliit na grupo.
Basahin ang “Ang Iyong Layunin” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 1) at ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson.
Huwag sana ninyong balewalain ang kabanata 1 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo at ang tanong doon na “Ano ang layunin ko bilang misyonero?” Pag-isipan ang layuning magdala ng mga tao kay Cristo sa pamamagitan ng mga alituntunin at ordenansa ng ipinanumbalik na ebanghelyo, at mauunawaan ninyo na ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay hindi isang programa; ito ay isang layunin—ang layunin ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. (D. Todd Christofferson, “Bakit Natin Ibinabahagi ang Ebanghelyo,” Liahona, Ago. 2014, 36)
Talakayin kung paano makakaapekto sa sumusunod ang gawing bahagi ng buhay ang layuning ito:
-
Paano maghanda para sa misyon
-
Ang mga ginagawa mo bilang missionary
Lider ng talakayan: Para matulungan ang mga miyembro ng klase na mas maunawaan ang layunin ng missionary, ipakita ang mga sumusunod na tagubilin. Maaari mong atasan ang kalahati ng klase na i-highlight ang unang item at ang natitirang kalahati sa pangalawang item.
Basahin ang “Ang Iyong Tungkulin na Ituro ang Ipinanumbalik na Ebanghelyo ni Jesucristo” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 1–2). Habang nag-aaral ka, i-highlight ang:
-
Mga dahilan kung bakit inaanyayahan natin ang iba na lumapit kay Jesucristo.
-
Ano ang magagawa natin para matulungan ang iba na lumapit kay Jesucristo.
Lider ng talakayan: Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang nahanap nila. Maaari din ninyong talakayin ang sumusunod na tanong:
-
Paano nagdulot ng “higit na kaligayahan, pag-asa, kapayapaan, at layunin” (pahina 2) sa inyo o sa mga taong kilala ninyo ang pagsunod sa Tagapagligtas?
Lider ng talakayan: Isiping ibahagi ang sarili mong sagot sa naunang tanong. Maaari mo ring ipanood ang video na “After Searching So Long for It, Hope Showed Up on Their Doorstep” (2:42; Gospel Library). Sabihin sa mga miyembro ng klase na alamin kung paano pinagpala ng ebanghelyo ni Jesucristo ang mag-asawa sa video.
Magsanay
Lider ng talakayan: Maglaan ng oras para tulungan ang mga mag-aaral na isaulo ang “Ang Iyong Layunin” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 1). Maaari ninyo itong bigkasin nang ilang beses bilang klase, at pagkatapos ay anyayahan ang mga mag-aaral na sanayin ang pagbigkas nito nang walang kopya sa kapartner.
Sa pagtuturo mo ng kursong ito, madalas na banggitin ang layunin ng missionary. Maaari ninyong sabay-sabay na bigkasin ito sa simula ng bawat klase.
Magtakda ng mithiin
Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila ngayon at magtakda ng mga mithiin. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod para matulungan sila:
Magtakda ng mithiin na nauugnay sa iyong napag-aralan. Gumamit ng mga ideya tulad ng mga sumusunod o mag-isip ng sarili mong ideya.
-
Patuloy na isaulo ang layunin ng missionary. Ibahagi ito nang naisaulo na sa isang kapamilya o kaibigan. Isipin ang nagawa mo na o sisimulang gawin na bahagi ng layunin ng missionary.
-
Bisitahin ang pahina na “Pagbabahagi ng Ebanghelyo” sa ChurchofJesusChrist.org. Maghanap ng mga ideya na makatutulong sa iyo na maibahagi ang ebanghelyo sa iba.
-
Mapanalanging isipin ang isang taong gusto mong tulungan na mapalapit kay Jesucristo at maranasan ang mga pagpapala ng Kanyang ebanghelyo. Alamin kung ano ang gagawin mo para matulungan sila (halimbawa, “Ipagdarasal ko ang taong ito at iimbitahan ko siya sa simbahan ngayong Linggo”).
Ang aking mithiin
-
Ako ay … (ang gagawin mo).
-
Isasakatuparan ko ang aking mithiin sa pamamagitan ng … (isang simpleng plano).
Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay may grupo na pagbabahaginan ng kanilang mga mithiin, bigyan sila ng oras na ibahagi kung paano nila susuportahan o paaalalahanan ang isa’t isa bago ang susunod na klase.
Opsiyon B: Paano binabago ng doktrina ni Cristo ang buhay?
Mag-aral
Lider ng talakayan: Isiping isulat sa pisara ang pariralang Ang Doktrina ni Cristo. Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson:
Makapangyarihan ang dalisay na doktrina ni Cristo. Binabago nito ang buhay ng lahat ng taong nakauunawa rito at hangad na ipamuhay ito. (“Dalisay na Katotohanan, Dalisay na Doktrina, at Dalisay na Paghahayag,” Liahona, Nob. 2021, 6)
-
Kung may nagtanong sa inyo kung ano ang doktrina ni Cristo, ano ang sasabihin ninyo?
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga mag-aaral na ihambing ang kanilang mga sagot sa naunang tanong sa paliwanag sa kabanata 1 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Upang matulungan sila na magawa ito, ibahagi ang mga sumusunod na tagubilin:
Hanapin ang bahagi sa kabanata 1 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo na may pamagat na “Ang Ebanghelyo ni Cristo at Doktrina ni Cristo.” Basahin ang unang tatlong talata at ang pahayag mula kay Hyrum Smith (pahina 6). Maghanap ng mga sagot sa dalawang tanong na ito:
-
Ano ang doktrina ni Cristo?
-
Bakit dapat hangaring maunawaan at ipamuhay ng isang taong naghahanda na magmisyon ang doktrina ni Cristo?
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga mag-aaral na ibahagi ang natutuhan nila mula sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo na sumasagot sa mga naunang tanong.
Ang sumusunod na aktibidad sa pag-aaral ay makatutulong sa mga miyembro ng klase na palalimin ang kanilang pag-unawa sa iba’t ibang aspekto ng doktrina ni Cristo. Kung malaki ang klase mo, hatiin sila sa mga grupo na may tig-lilimang miyembro. Maaaring pag-aralan ng bawat miyembro ng grupo ang iba’t ibang bahagi ng doktrina ni Cristo
Matuto pa ng tungkol sa doktrina ni Cristo sa pag-aaral ng mga sumusunod na bahagi mula sa kabanata 1 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (pahina 8–10):
-
“Binyag”
-
“Pagtitiis Hanggang sa Wakas” (Pag-aralan din ang 2 Nephi 31:19–20.)
Sa pag-aaral mo, i-highlight ang mahahalagang salita at parirala. Isiping basahin ang ilan sa mga banal na kasulatan na nauugnay sa bahagi. Maghandang ibahagi ang natutuhan mo.
Magsanay
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga miyembro ng klase na ipaliwanag sa kanilang grupo ang natutuhan nila sa nakaraang aktibidad. Ipakita ang mga sumusunod na tagubilin:
Ibuod ang bahagi ng doktrina ni Cristo na napag-aralan mo. Maaari mong isama ang mga sumusunod na punto sa iyong paliwanag:
-
Isang maikling buod ng napag-aralan mo
-
Paano nakatutulong ang bahaging ito ng doktrina sa mga tao na lumapit kay Cristo at matanggap ang Kanyang nakapagliligtas na kapangyarihan
-
Paano ka napagpala o ang isang taong kilala mo dahil sa pagsunod sa bahaging ito ng doktrina ni Cristo
Magtakda ng mithiin
Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila at magtakda ng mga mithiin. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod para matulungan sila:
Magtakda ng mithiin na nauugnay sa iyong napag-aralan. Gumamit ng mga ideya tulad ng mga sumusunod o mag-isip ng sarili mong ideya.
-
Pag-aralan ang 2 Nephi 31, na inaalam ang mga turo ni Nephi tungkol sa doktrina ni Cristo.
-
Tukuyin ang isang elemento ng doktrina ni Cristo na nais mong isama nang mas lubos sa iyong buhay. Pag-isipan kung paano mo ito gagawin.
Ang aking mithiin
-
Ako ay … (ang gagawin mo).
-
Isasakatuparan ko ang aking mithiin sa pamamagitan ng … (isang simpleng plano).
Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay may grupo na pagbabahaginan ng kanilang mga mithiin, bigyan sila ng oras na ibahagi kung paano nila susuportahan o paaalalahanan ang isa’t isa bago ang susunod na klase.
Opsiyon C: Anong uri ng missionary ang matagumpay na missionary?
Mag-aral
Lider ng talakayan: Isiping isulat sa pisara ang sumusunod na tanong kasama ang mga sagot ng mga mag-aaral:
-
Paano malalaman ng isang tao kung siya ay matagumpay na missionary?
Lider ng talakayan: Ang sumusunod na aktibidad sa pag-aaral ay makatutulong sa mga mag-aaral na mas maunawaan kung paano maging epektibong mga missionary:
-
Basahin ang unang siyam na talata ng “Ang Matagumpay na Misyonero” sa kabanata 1 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (pahina 15). I-highlight o markahan ang mga katangian ng matatagumpay na missionary. Sa ibang paraan (tulad ng paggamit ng ibang kulay o paraan ng pagsalungguhit), markahan ang mga bagay na hindi mahalaga sa tagumpay.
-
Tingnan ang mga bullet sa itaas ng pahina 16. Pumili ng dalawa o mahigit pang scripture reference na babasahin, na inaalam ang itinuturo ng mga ito tungkol sa pagiging matagumpay na missionary.
Magsanay
Lider ng talakayan: Sabihin sa mga miyembro ng klase na gamitin ang natutuhan nila sa nakaraang aktibidad sa pagsagot sa sumusunod na sitwasyon. Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante at anyayahan sila na magsadula.
Kunwari ay nakatanggap ka ng isang mensahe mula sa isang kaibigang naglilingkod sa full-time mission. Pakiramdam niya ay bigo siya bilang missionary dahil wala ni isa sa mga tinuruan nila ang nabinyagan at hindi siya kailanman nagkaroon ng katungkulan sa pamumuno. Nagsisimula na niyang maramdaman na parang sinasayang niya ang kanyang oras.
-
Batay sa natutuhan mo mula sa “Ang Matagumpay na Misyonero” sa kabanata 1 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (pahina 15–16), tulungan ang iyong kaibigan na ibahin ang pag-iisip sa ibig sabihin ng pagiging matagumpay na missionary.
-
Ibahagi kung paano mababago ng mas pagtutuon kay Jesucristo ang nadarama ng iyong kaibigan tungkol sa kanyang paglilingkod bilang missionary.
Lider ng talakayan: Para sa isa pang paraan para matulungan ang mga mag-aaral na matukoy at maipaliwanag ang mga katangian ng matatagumpay na missionary, isiping ipalabas ang video na “Missionaries of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints” (4:56; ChurchofJesusChrist.org). Maaaring talakayin ng mga miyembro ng klase kung paano inilarawan o ipinakita ng mga missionary sa video ang mga alituntunin ng matagumpay na paglilingkod bilang missionary.
Magtakda ng mithiin
Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila ngayon at magtakda ng mga mithiin. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod para matulungan sila:
Magtakda ng mithiin na nauugnay sa iyong napag-aralan. Gumamit ng mga ideya tulad ng mga sumusunod o mag-isip ng sarili mong ideya.
-
Mag-isip ng isang taong kakilala mo na kasalukuyang nagmimisyon. Magpadala sa kanya sa email o sa liham ng buod ng natutuhan mo ngayon tungkol sa pagiging matagumpay na missionary. Maaari mo ring itanong sa missionary kung ano ang natuklasan niya kung paano sila naging matagumpay.
-
Isipin kung ano ang magagawa mo ngayon para maghanda na maging matagumpay na missionary sa hinaharap.
Ang aking mithiin
-
Ako ay … (ang gagawin mo).
-
Isasakatuparan ko ang aking mithiin sa pamamagitan ng … (isang simpleng plano).
Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay may grupo na pagbabahaginan ng kanilang mga mithiin, bigyan sila ng oras na ibahagi kung paano nila susuportahan o paaalalahanan ang isa’t isa bago ang susunod na klase.
Sa Susunod
Lider ng talakayan: Kung handa ka nang magturo ng lesson 4 sa susunod, isiping anyayahan ang mga miyembro ng klase na pag-aralan ang kabanata 2 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo bilang paghahanda. Maaari ka ring magpadala sa kanila ng isang paalala.