Mga Kurso Tungkol sa Ebanghelyo
Lesson 11: Tulungan ang mga Tao na Gumawa at Tumupad ng mga Pangako


Lesson 11

Tulungan ang mga Tao na Gumawa at Tumupad ng mga Pangako

Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 11

ang Pastol

“Ang pagtulong sa mga tao na magbalik-loob kay Jesucristo ay nasa sentro ng … layunin [ng isang] misyonero.” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo [2023], 232). Ang isang mahalagang paraan para matulungan ang ibang tao sa kanilang pagbabalik-loob ay ang pag-anyaya sa kanila na gumawa at tumupad ng mga pangako. Ang pagbibigay ng epektibong mga paanyaya ay nagpapalaki ng posibilidad na ang mga tao ay gagawa at tutupad ng mga pangako.

Magrebyu at Mag-follow Up

Lider ng talakayan: Sabihin sa mga mag-aaral na isipin ang kanilang mga pagsisikap kamakailan na ipamuhay ang kanilang natututuhan sa klaseng ito. Maaari mo silang anyayahan na ibahagi ang ilan sa kanilang mga pagsisikap sa isang kapartner o sa buong klase.

Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Lider ng talakayan: Mapanalanging piliin ang (mga) opsiyon sa pag-aaral na pinakamainam para sa iyong klase. Siguraduhing maglaan ng maraming oras para sa pagsasanay at pagsasabuhay.

Opsiyon A: Paano ko matutulungan ang ibang tao na magbalik-loob sa Panginoon?

Mag-aral

Lider ng talakayan: Talakayin ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar.

Elder David A. Bednar

Paulit-ulit na itinuturo ng mga awtorisadong tagapaglingkod ng Panginoon na isa sa mga pangunahing layunin ng ating buhay sa lupa ay espirituwal na magbago at mapanibago sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. (“Kinakailangan Ngang Kayo’y Ipanganak na Muli,” Ensign o Liahona, Mayo 2007, 19–20)

  • Sa palagay ninyo, bakit ang espirituwal na pagbabago o pagbabalik-loob ang isa sa mga pangunahing layunin ng ating panahon dito sa mundo?

Lider ng talakayan: Isiping idispley ang sumusunod na mga hindi kumpletong pangungusap bilang mga heading sa pisara:

Ang ibig sabihin ng pagbabalik-loob sa Panginoon ay …

Maaari tayong magbalik-loob kay Jesucristo sa pamamagitan ng …

Sabihin sa mga miyembro ng klase na pag-isipan o ibahagi kung paano nila tatapusin ang dalawang pangungusap na ito. Ipaliwanag na ang aktibidad sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa kanila na mas maunawaan kung ano ang pagbabalik-loob at kung paano tayo magbabalik-loob. Ipakita ang mga sumusunod na tagubilin:

Kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad sa pag-aaral. Markahan ang natutuhan mo tungkol sa (1) kung ano ang ibig sabihin ng nagbalik-loob sa Panginoon at (2) kung paano nangyayari ang pagbabalik-loob.

  1. Basahin ang bahaging may pamagat na “Pagsisisi, Tapat na Pangako, at Pagbabalik-loob” sa kabanata 11 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (pahina 231–32).

  2. Pag-aralan ang hindi bababa sa dalawa sa sumusunod na mga scripture passage: Juan 3:3–5; Mosias 5:2; Mosias 27:25–26; Alma 5:12–14.

Lider ng talakayan: Pagkatapos ng sapat na oras para sa pag-aaral, sabihin sa mga miyembro ng klase na ibahagi ang natutuhan nila. Maaari mong sabihin sa mga mag-aaral na isulat ang kanilang mga sagot sa ilalim ng angkop na heading sa pisara.

Maaari din ninyong talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano nauugnay sa pagbabalik-loob ang pagsisisi, mga pangako, at mga tipan?

  • Sa palagay mo, bakit magiging posible lamang ang pagbabalik-loob sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala?

  • Ano ang nakatulong sa iyo na mapalalim ang iyong sariling pagbabalik-loob kay Jesucristo?

Magsanay

Lider ng talakayan: Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga mag-aaral na magpraktis na ipaliwanag ang mga katotohanang napag-aralan nila sa nakaraang aktibidad sa pag-aaral. Idispley ang sumusunod na mga tagubilin at bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na sumagot. Maaari mong atasan ang mga mag-aaral o magkapartner ng isang partikular na sitwasyon at sabihin sa kanila na turuan ang iba na inatasan ng ibang sitwasyon.

Pumili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon. Maghanda ng tugon para sa taong nabanggit sa sitwasyon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.

  1. Si Christina ay hindi kailanman naging kabilang sa isang simbahan. Kamakailan ay nakadama siya ng pagnanais na mapalapit sa Diyos. Iniisip niya kung saan siya magsisimula.

  2. Si Isaac ay tinuturuan ng mga missionary. Sa isa sa mga lesson, itinuro ng mga missionary kay Isaac na kabilang sa pagsisisi ang pagbaling sa Diyos at pagtalikod sa ating mga kasalanan. Sinabi ni Isaac na, “Hindi ako sigurado kung magagawa ko iyan. Ganito na talaga ako.”

  3. Napansin ni Jasmine na parang mas madali para sa ibang tao na sundin ang mga kautusan at mas matibay ang kanilang patotoo kaysa sa kanya. Nalulungkot siya kapag inihahambing niya ang kanyang sarili sa iba.

  • Ano ang maibabahagi mo mula sa mga banal na kasulatan o Mangaral ng Aking Ebanghelyo na makatutulong?

  • Ano ang maituturo mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Anong paanyaya ang maaari mong ibigay?

Lider ng talakayan: Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga sagot sa isang kapartner o maliit na grupo.

Magtakda ng mithiin

Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila at magtakda ng mga mithiin. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod para matulungan sila:

Magtakda ng mithiin na nauugnay sa iyong napag-aralan. Gumamit ng mga ideyang tulad ng sumusunod, o mag-isip ng sarili mo.

  • Isulat ang iyong personal at patuloy na kuwento ng pagbabalik-loob. Isama ang mga partikular na paraan na naimpluwensyahan ng Diyos ang mga pagbabago sa iyong buhay.

  • Itanong sa isang kaibigan o kapamilya ang tungkol sa kanyang proseso ng pagbabalik-loob kay Jesucristo.

  • Magsulat ng tatlong paraan kung paano mo mahihingi ang tulong ni Jesucristo para mapalakas ang iyong personal na pagbabalik-loob.

Ang aking mithiin
  • Ako ay … (ang gagawin mo).

  • Isasakatuparan ko ang aking mithiin sa pamamagitan ng … (isang simpleng plano).

Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay mayroong grupo kung saan ibinabahagi nila ang kanilang mga mithiin sa kabuuan ng kurso, bigyan sila ng oras para ibahagi kung paano nila susuportahan o papaalalahanan ang isa’t isa bago magsimula ang susunod na klase.

Opsiyon B: Paano matutulungan ng mga epektibong paanyaya ang mga tao na lumapit kay Jesucristo?

Mag-aral

Lider ng talakayan: Idispley ang sumusunod na mga tanong at sabihin sa mga mag-aaral na talakayin ang mga ito sa isang kapartner. Maaari ka ring magsimula sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang halimbawa mula sa sarili mong buhay.

  • Anong paanyaya na natanggap at sinunod mo na nakatulong sa inyo na mapalapit kay Jesucristo?

  • Paano kaya maaaring maiba ang mga bagay-bagay kung hindi ibinigay sa iyo ang paanyayang ito?

Lider ng talakayan: Para matulungan ang mga mag-aaral na magsimulang pag-aralan ang tungkol sa mga epektibong paanyaya, isiping ibahagi ang mga tagubilin na nakalista sa ibaba. Maaari mong pagpartner-partnerin ang klase at ibigay sa bawat partner ang isa sa mga opsiyon sa pag-aaral. Maaari mo ring anyayahan ang bawat mag-aaral na basahin ang isa o higit pang mga scripture passage na matatagpuan sa kahon na pinamagatang “Pag-aaral ng Banal na Kasulatan” sa pahina 233, na nasa ilalim ng “Mga Alituntunin sa Pagbibigay ng mga Paanyaya.”

Alamin ang tungkol sa pagbibigay ng mga paanyaya sa pamamagitan ng pag-aaral ng kabanata 11 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo:

  1. Ang dalawang talata at mga bullet point sa ilalim ng heading na “Magbigay ng mga Paanyaya” (pahina 232)

  2. Mga Alituntunin sa Pagbibigay ng mga Paanyaya” (pahina 233)

Lider ng talakayan: Kapag natapos na silang mag-aral, sabihin sa mga miyembro ng klase na ibuod ang natutuhan nila sa kanilang mga kapartner. Pagkatapos ay maaaring talakayin ng buong klase ang sumusunod na mga tanong:

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay ng mga paanyaya habang ibinabahagi natin ang ebanghelyo ni Jesucristo?

  • Ano ang ilang halimbawa ng mga paanyayang maaari nating ibigay para matulungan ang ibang tao na lumapit kay Cristo?

Lider ng talakayan: Bilang bahagi ng inyong talakayan, maaari mong ipalabas ang “Inviting Others to ‘Come and See’” (1:17) o “Inviting Others to ‘Come and Help’” (1:03). Makikita ang dalawang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org:

Maaari mo ring ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Gary E. Stevenson:

Elder Gary E. Stevenson

Daan-daang paanyaya ang maipararating natin sa iba. Maaari nating anyayahan ang iba na “pumarito at tingnan” ang isang sacrament service, isang aktibidad ng ward, isang online video na nagpapaliwanag sa ebanghelyo ni Jesucristo. Ang “pumarito at tingnan” ay maaaring maging isang paanyayang basahin ang Aklat ni Mormon o bisitahin ang isang bagong templo sa open house nito bago ito ilaan. (“Magmahal, Magbahagi, Mag-anyaya,” Liahona, Mayo 2022, 86)

Magsanay

icon ng handout Lider ng talakayan: Para mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagpraktis sa pagbibigay ng mga paanyaya, maaari mong ipamahagi ang handout na “Pagbibigay ng mga Paanyaya.” Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na kumpletuhin ang handout, mag-isa man o kasama ang isang kapartner.

Pagbibigay ng mga Paanyaya

Ang sumusunod na mga alituntunin ay makatutulong sa iyo na magbigay ng epektibong mga paanyaya:

Maging mabait, partikular, at malinaw. Ang iyong paanyaya ay dapat gawin sa pagtatanong kung gagawin ba ng isang tao ang isang bagay. Para sa mga halimbawa, tingnan ang “Maging Mabait at Malinaw sa Pagbibigay ng Paanyaya” sa kabanata 11 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (pahina 234).

Magpatotoo tungkol sa mga pagpapala. Ibahagi ang inyong patotoo na pagpapalain ng Diyos ang mga susunod sa paanyayang ibinibigay mo. Maaari mong ipaliwanag kung paano ka personal na pinagpala. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang “Pangakuan ng mga Biyaya ang mga Tao” at “Ibahagi ang Iyong Patotoo” sa kabanata 11 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (pahina 235–36).

Narito ang halimbawa ng paanyaya na sumusunod sa mga tuntunin na ito:

Nangako ang Panginoon ng malalaking pagpapala sa mga sinusunod ang batas ng ikapu. Pinagpala Niya ako at ang aking pamilya nang sundin namin ang batas na ito. Ipinapangako ko na pagpapalain kayo ng Diyos kapag sumampalataya kayo kay Jesucristo at nagbayad ng ikapu. Susundin ba ninyo ang batas ng ikapu pagkatapos ninyong mabinyagan?

Gamitin ang mga hakbang na ito para matulungan kang magpraktis sa paggawa at pagbibigay ng isang paanyaya.

  1. Alamin kung ano ang magagawa mo para anyayahan ang isang tao na mas mapalapit kay Jesucristo. Ang taong ito ay maaaring kakilala mo o isang taong iniisip mong tinuturuan mo bilang isang missionary.

  2. Kabilang sa mga halimbawa ng mga gagawin nila ang pakikipagkita sa mga missionary, pagbabasa araw-araw mula sa Aklat ni Mormon, pagsisimba kasama ninyo, o pagdarasal sa Ama sa Langit. Para sa iba pang mga halimbawa, tingnan ang “Mga Paanyayang Maaari Ninyong Ibigay” sa lesson 1–3 ng kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (pahina 39, 57, 75).

  3. Itala ang sasabihin mo para maibigay ang paanyaya. Tandaan na maging mabait, partikular, at malinaw sa iyong pagbibigay ng paanyaya. Tiyaking kasama ang iyong patotoo tungkol sa mga pagpapalang matatanggap natin kapag ipinamuhay natin ang alituntuning ito.

Lider ng talakayan: Matapos makumpleto ng mga mag-aaral ang handout, bigyan sila ng oras na makapagpraktis sa pagbibigay ng paanyaya sa isang kapartner. Maaari mong ipakita sa buong klase kung paano ito gagawin bago sila magpraktis kasama ang kanilang kapartner. Kung may oras pa, maaari mong sabihin sa mga mag-aaral na magpraktis kasama ang iba pa sa kanilang mga kaklase.

Magtakda ng mithiin

Lider ng talakayan: Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang natutuhan nila at magtakda ng mga mithiin. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod para matulungan sila:

Magtakda ng mithiin na nauugnay sa iyong napag-aralan. Gumamit ng mga ideyang tulad ng sumusunod, o mag-isip ng sarili mo.

  • Magpraktis na ibigay ang iyong paanyaya sa isang kapamilya o sa isang kaibigan sa labas ng klase.

  • Tingnan ang bahaging “Pagbabahagi ng Ebanghelyo” sa Gospel Library at maghanap ng mga halimbawa ng mga paanyaya na maaari mong ibigay sa iyong pamilya o mga kaibigan. Kumilos ayon sa inspirasyong natanggap mo.

  • Anyayahan ang isang kaibigan na magsimba o dumalo sa isang aktibidad ng simbahan kasama ka. Gamitin ang mga tuntunin na napraktis mo kapag inanyayahan mo sila.

Ang aking mithiin
  • Ako ay … (ang gagawin mo).

  • Isasakatuparan ko ang aking mithiin sa pamamagitan ng … (isang simpleng plano).

Lider ng talakayan: Kung ang mga mag-aaral ay mayroong grupo kung saan ibinabahagi nila ang kanilang mga mithiin sa kabuuan ng kurso, bigyan sila ng oras para ibahagi kung paano nila susuportahan o papaalalahanan ang isa’t isa bago magsimula ang susunod na klase.

Sa Susunod

Lider ng talakayan: Kung handa ka nang pag-aralan ang lesson 12 sa susunod na klase, isiping anyayahan ang mga mag-aaral na maghanda sa pamamagitan ng pagbasa sa Pag-adjust sa Buhay-Missionary. (2013). Maaari mong ipadala sa kanila ang link sa resource na ito o ipakita sa kanila kung paano ito makikita sa Gospel Library (Library > Mga Hanbuk at Calling > Mga Calling sa Mission > Pag-adjust sa Buhay-Missionary).